Press "Enter" to skip to content

Sa Gitna Ng Quarantine Isang Ina Ang Nakaisip Ng Kakaibang Ideya Sa Birthday Ng Anak!

Sa Caraingan Tarlac City kung saan isang ina ang nakaisip ng nakakatuwa at kakaibang ideya para sa first birthday ng kanyang anak sa panahon ng quarantine.

Birthday
Facebook

Ang kwento

April 13, ng ibahagi sa social media ng isang ina na si Czhinney Lew-Anne David ang litrato ng first birthday ng kanyang anak na si Cairo. Ang konsepto ng tema nito ay ideya din mismo ng ina ng bata.

Kwento ng ina, dapat ang first birthday na ito ng kanyang anak ay gaganapin sa isang restaurant. Ngunit ito ay hindi na natuloy bunsad ng naging malawakang quarantine nang dahil sa virus.

Quarantine

Marso ng ipatupad ang malawakang quarantine sa buong Luzon kasabay ng iba pang mga lugar. Kaya naman ipinagbawal muna ang pagpunta sa iba’t-ibang kalapit lugar at ang pagdalo sa mga okasyon.

Ito ay upang maiwasan ang maaring pagkahawa sa mapanganib na virus. Kaya naman ang ina ay ito na lamang ang naisip na ideya upang matuloy ang nasabing unang kaarawan ng kanyang anak.

Checkpoint

Ang tema ay nilagyan ng pamagat na “QUARANTINE” at “CHECKPOINT” na mayroon pang “none of you are invited”. Upang gawing mas makulay ang kaarawan ng kanilang anak, sila ay nakaisip na gumawa na lamang ng mga DIY props at makukulay na dekorasyon dahil sila ay walang mabilhan.

Bukod pa dito ay upang gawing mas masaya at memorable ang nasabing kaarawan napagpasyahan din nilang mamigay ng ilang mga food packs. Ito ay kanilang ipinamigay sa security guard at mga tanod ng kanilang lugar, dahil wala naman diumano silang naging bisita.

Mensahe

Nag iwan din ng isang inspirasyong mensahe ang ina, “manatili lang positibo sa buhay dahil malalampasin natin ito”. Lubos din siyang nagpasalamat sa mga nagpahatid ng pagbati sa kanyang anak sa naturang mga litrato sa social media.

Ano man ang ating pinagdadaanan ngayon ay hindi hadlang upang hindi tayo’y maging masaya at positibo lalo na sa isang espesyal na kaarawan.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: