Sa halip na arestuhin, isang lalaking naglalakad ng walang facemask ang pinagsabihan ng isang Army. At pagkatapos ay inabutan pa ng face mask para isuot nito.
Ang pangyayari
Ayon sa post ng Mandaluyong City Disaster Risk Reduction and Management Office sa Facebook, tinigilan ng sasakyan ng barangay ang lalaking naglalakad sa F. B. Martinez Avenue. Ito ay matapos mapansin na hindi ito nakasuot ng facemask.

Multa o kulong ang kahaharapin ng mga lumalabas sa publiko nang walang suot na face mask sa Mandaluyong. Pero hindi ito ang naranasan ng isang lalaking nasita sa Barangay Addition Hills.


Bumaba ang isang nakasakay na Army reservist na naka-assign sa Addition Hills. Imbes na hulihin ang lalaki, pinagsabihan siya ng Army reservist sa paglabag niya at binigyan ng dala nitong libreng face mask para isuot.
Sa kasalukuyan
Kasama ng ibang sundalo at pulis, naka-deploy ang ilang miyembro ng Army reserve command sa Addition Hills. Ito ay matapos isa ilalim ng lungsod sa heightened community quarantine kasama ang ilang bahagi ng barangay noong Abril 10. Ito ay dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19.

Nitong Abril 28, isa ang Addition Hills sa 3 barangay na nagtala ng pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Mandaluyong City. Kasama rin ang Highway Hills at Mauway na may tig-46 na kaso.

Kapwa tig-anim na residente sa Addition Hills at Highway Hills ang namatay na sa sakit. Ito ang naitalang pinakamataas na bilang sa naturang lungsod.
Multa sa paglabag
Ayon sa Ordinance No. 767 ng Mandaluyong na inilabas nitong Abril. Pagbabayarin ng P5,000, makukulong ng isang linggo o pareho ang mga mahuhuli sa pampublikong lugar na walang suot na face mask.
Source: Facebook
Be First to Comment