Press "Enter" to skip to content

Sa Wakas! DOLE Naglabas Na Ng Guideline Kung Paano Makuha Ang Php5,000 Cash Assistance

Naglabas na and Department of Labor and Employment (DOLE) ng memorandum ukol sa one-time cash assistance para sa mga apektadong manggagawa. Ang assistance ay nagkakahalaga ng 5,000 bilang tulong sa mga pribadong manggagawa na kasalukuyang apektado ng Enhanced Community Quarantine.

Krisis

Mula ng ipatupad ang Enhanced Community Quarantine ay natigil na sa pagtatrabaho ng libo-libong manggagawa. Dahil dito, gutom at pangamba sa mga bayarin ang kinakaharap ng mga tao. Labis na apektado dito ang mga no work no pay na nagtatrabaho sa mga pribadong sektor. 

CAMP Financial Assistance

Ang mga malalaking kumpanya ay nagbigay na ng anunsiyo na magbibigay ng isang buwang sahod sa lahat ng kanilang mga empleyado. Ngunit paano ang mga empleyado ng mga small at medium enterprise? Hindi lahat sa kanila ay kayang magbigay ng ayuda sa kanilang mga empleyado.

Sa Wakas! DOLE Naglabas Na Ng Guideline Kung Paano Makuha Ang Php5,000 Cash Assistance 2

Dahil dito, naglabas ang DOLE ng memorandum na nagsasabing magbibigay ng cash assistance ang nasabing ahensya ng gobyerno para mga manggagawa ng maliliit na negosyo. Inilunsad ng DOLE ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) para sa mga manggagawang apektado ng krisis na nangyayari sa ating bansa.

Layunin ng CAMP na bigyan ng one-time financial assistance na nagkakahalaga  ng Php5,000 para sa mga naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng mga kanilang pinagtatrabahuhan. Marso 21 ng sinimulan ang implementasyon sa buong bansa.

Proseso ng pag avail

Kabaliktaran ng pagkakaalam ng marami, hindi ang mga empleyado ang dapat mag asikaso upang makakuha ng assistance. Ang mga employers o may-ari ng small to medium enterprises ang itinalaga ng DOLE na mag apply ng CAMP financial assistance para sa kanilang manggagawa. 

Kailangan i-download ng employer ang Establishment Report Form na makikita sa opisyal na website ng DOLE. Fill-up an ang form at ilakip ang kopya ng payroll ng mga empleyado sa buwan ng pebrero o mga nakalipas na buwan.

Ipapadala ang mga dokumento sa e-mail ng DOLE Regional Office na naka destino sa lokasyon ng kanilang negosyo.

Sa Wakas! DOLE Naglabas Na Ng Guideline Kung Paano Makuha Ang Php5,000 Cash Assistance 3

Tatlong araw ang proseso ng pagsusuri ng DOLE sa mga aplikasyon. Ang mga employer na ma aaprubahan ay makakatanggap ng “Notice of Approval”. 

Sunod, ipapadala sa pamamagitan ng bank transfer ang CAMP Financial Assistance sa mga payroll account ng mga empleyado. Para naman sa mga payroll bank account, ipapadala ang pera sa pamamagitan ng money remittance.

Matapos matanggap ng lahat ng empleyado ang ayuda, tungkulin ng employer na magpadala ng Notice of Completion sa DOLE.

Kung sakali naman na hindi pumasok sa kwalipikasyon, kulang ang pinadalang dokumento o “tampered” ang mga requirements, magpapadala ang DOLE ng “Notice of Denial” sa mga employer.

Tulong

Sa panahon ngayon, napakalaking tulong na ang CAMP para sa mga manggagawang pilipino. Kung kaya nararapat na malaman ng mga employer ang tamang proseso. Hindi man sapat  sa iba ang Php5,000 tulong, ay kahit paano ay maiibsan nito ang gutom ng karamihan.

Narito ang kabuuan ng memorandum:

DOLE Memorandum

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: