Browse By

Sa Wakas, Dumating na Sila!

Natanggap na ng  Hukbong Himpapawid ng Pilipinas ang huling batch U.S.-made S-70i Black Hawk Attack helicopters. Inaprobahan noong Pebrero 2021, ni Presidente Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga Black Hawks para palakasin ang ating air force, na ayon sa mga eksperto ang ating air force ang pinaka mahina sa Asya.

Photo Credits: Army Technology

Nai-deliver ang limang Black Hawks sa Clark Air Base sa Pampanga noong Nobyembre 8, galing Poland via Antonov air transport.

Ayon sa tagapagsalita ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na si Lt. Col. Maynard Mariano ang dagdag na limang Black Hawks ay ku-kompleto sa Air Forces fleet na 16 Black Hawks.

Photo Credits: FightGlobal

Dahilan sa pagbabago ng helicopters

Bago ang naturang pagbili, ang armada ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na mga Huey Helicopters ay tila tumatanda na, at ang mga ito ay maari nang magdulot ng aksidente dahil sa kalumaan. Gamit ang mga Huey Helicopters ay may naitala na apat na aksidente mula 2019 hanggang 2020.

Ayon sa Rappler report, ang madugong aksidente ng PAF Huey Helicopter noong Enero sa Bukidnon ang nag kumbinse kay Pang. Duterte na bumili ng mga bagong choppers. Ang crash na iyon ay kumitil ng buhay sa pitong military personnel.

Sa kabila ng mga bagong helicopters ng PAF, kuwestyonable pa rin ang reliability ng mga Black Hawks, dahil noong Hunyo 2021, isang Black Hawk mula sa previous batch na na-ideliber ay nag crash at patay lahat ang anim na troopers na sakay nito.

Anim na Black Hawks ang na deliber noong November 2020, natanggap naman ng PAF ang second batch noong Hunyo 2021.

Binili ng Pilipinas ang mga helicopters na ito sa isang Poland-based Polski Zaklady Lotnicze Sp.z.o.o sa presyong $241.1 millon o P12 billion.

Source: Esquire

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *