Press "Enter" to skip to content

Sa Wakas! Hinaing Sa SAP, Diringgin Na Ng DSWD

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nagbalangkas nang isang sistema upang matugunan ang dumaraming hinaing ng mga tao hinggil sa pagbibigay ng ayuda mula sa Social Amelioriation Program (SAP).

Ang anunsiyo

Noong Biyernes, nagpahayag ang DSWD na kanila nang inilunsad ang “Grievance Redress System” dahil sa dami ng saloobin mula sa mga dismayadong mga kababayan na hindi nakatanggap ng ayuda ng pamahalaan mula ng isailalim ang Luzon sa ng enhanced community quarantine.

Sa Wakas! Hinaing Sa SAP, Diringgin Na Ng DSWD 2
PNA

Wika ni Undersecretary Camilo Gudmalin, “Hinihikayat ko ang ating kababayan na iparating at ireport sa amin ang anumang anomalya sa pamimigay ng SAP sa pamamagitan ng DSWD Grievance Redress System.”

Ang proseso

Lahat ng kwalipikadong pamilya na hindi nakatanggap ng tulong pinansiyal ay maaring magsumite ng pormal na reklamo sa kanilang mga Local Social Welfare and Development Offices (LSWDO) sa loob ng 3 araw mula sa unang araw ng pamimigay ng SAP.

Sa Wakas! Hinaing Sa SAP, Diringgin Na Ng DSWD 3
DWSD

Samantala, ang LSWDO ay pagsasama samahin ang naturang reklamo upang isumite naman sa DSWD Field Office para ito ay mareview sa loob din ng 3 araw.

Panuntunan ng DSWD

Maaalalang naglabas ng listahan ang DSWD ng mga target na maabutan ng pinansyal na ayuda mula sa pamahalaan. Kabilang sa mga nais mabigyan ay ang mga miyembro ng impormal na sector ng mga mangagawa, mga miyembro ng lipunan na makokonsiderang “vulnerable” maging mga distressed OFWs at mga “poorest of the poor.”

Sa Wakas! Hinaing Sa SAP, Diringgin Na Ng DSWD 4
Straits Times

Sa mga nabanggit na listahan ng kasama sa programa, madami pa din ang hindi nakatanggap ng ayuda dahil sa iba’t ibang dahilan. Layunin ng Grievance Redress System na mapakinggan ang mga reklamo ng publiko.

Sa Wakas! Hinaing Sa SAP, Diringgin Na Ng DSWD 5
Rappler

Sinabi ng DSWD na lahat ng reklamo na matatanggap patungkol sa SAP ay aasikasuhin at mahigpit na babantayan ng DSWD Central Office-Operations Center sa pamamagitan ng kanilang hotline number 16545 na bukas 24 oras.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: