Press "Enter" to skip to content

Sa Wakas! Memorandum Para Sa Second Tranche Ng SAP Cash Assistance, Inilabas Na Ng Malacañang

Manila – Naglabas ang Malacañang ng memorandum na nag uutos sa Inter-agency Task Force o IATF na magdagdag pa ng 5 milyon pamilya sa listahan ng tatanggap ng cash assistance mula sa Social Amelioration Program o SAP ng DSWD.

Karagdagang 5 milyon pamilya

Sa inilabas na memo nitong Sabado, Mayo 23, inutos ng Malacañang na opisyal ng isama sa listahan ang inirekomenda ng IATF na dagdag 5 milyong pamilya na karapat dapat mapabilang sa bibigyan ng ayuda ng darating na second tranche ng SAP.

Sa Wakas! Memorandum Para Sa Second Tranche Ng SAP Cash Assistance, Inilabas Na Ng Malacañang 2

Dahil dito, ang dating 12 milyon na beneficiaries ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), magiging 17 milyon sa pagdating ng second tranche.

Maari pang isali ang mga nasa GCQ

Ayon pa sa memorandum na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kinokonsidera din na bigyan pa ang mga “eligible” na pamilya na nasa ilalim na ng General Community Quarantine o GCQ.

Sa Wakas! Memorandum Para Sa Second Tranche Ng SAP Cash Assistance, Inilabas Na Ng Malacañang 3

Nauna na kasing inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong nakaraang buwan na ilalaan na lamang ang natitirang pondo ng pamahalaan para sa mga pamilyang naiwan sa estado ng Enhanced Community Quarantine o ECQ. Limitado na kasi ang pondo kung kaya hindi na isasali pa ang mga nasa GCQ na.

Bayanihan to Heal as One Act

Sa ilalim ng Republic Act 11469 o mas kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act, target ng pamahalaan na bigyan ng ayuda ang nasa 18 milyon na mahihirap na pamilya sa buong bansa. Nagkakahalaga ang nasabing ayuda ng mula P5,000 hanggang P8,000 depende sa minimum wage ng isang rehiyon.

Inatasan din ang DSWD katulong ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Privacy Commission (NPC) na gumawa ng online portal na maglalaman ng listahan ng mga eligible household benficiaries na tatanggap ng emergency cash assistance.

Ikinatuwa naman ito ng publiko lalo at marami ang nagreklamo na hindi sila napabilang sa unang yugto ng ayuda kahit pa pasok sila sa kwalipikasyon. Nagkaroon pa ng kabi-kabilaang kontrobersiya na lalo pang nagpabagal sa pamimigay ng ayuda.

24 Oras News Alert: Memorandum sa karagdagang cash aid para sa 5M pamilya, inilabas na ng Malacañang

PANOORIN: Inilabas na ng Malacañang ang memorandum kaugnay ng pagbibigay ng cash aid sa karagdagang limang milyong pamilya sa ikalawang tranche ng Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development. BASAHIN: https://bit.ly/3cWYn09

Posted by GMA News on Saturday, May 23, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: