Press "Enter" to skip to content

Sa Wakas! Mga Brgy Officials Na Sangkot Sa Katiwalian Sa SAP, Kinasuhan Na

Maynila- Matapos ang pagkakaroon ng sunod-sunod na reklamo ng ilang mga residente tungkol sa naging anumalya kaugnay sa ipinamahaging Social Amelioration Program (SAP) ng DSWD ay sa wakas nasampahan na ng kaso ang mga opisyal na sangkot dito.

Ang isinampang kaso

Sa isang panayam kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya kung saan sinabi nito na criminal compliants ang kaso na isinampa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa Prosecutor’s Office ng Department of Justice laban sa mga naturang opisyales.

Ang Isinampang Kaso- SAP
Photo Credit: Pinoyformosa

Sa pahayag ng DILG sinabi nito na “splitting” ang isa sa naging pangunahing inirereklamo laban sa mga opisyal ng barangay kung saan hinahati ang pera ng SAP cash aid ng isang pamilya upang mapakinabangan diumano ng ibang pamilya. Samantalang ang ibang opisyal naman ay kumukuha ng kanilang komisyon sa nasabing ayuda.

Ang mga kabilang

Sinabi ni Malaya na ang kabilang sa sinampahan ng mga kaso ay 4 na barangay kapitan, 15 barangay kagawad, isang SK chairman 3 treasurer, 4 na barangay secretaries, isang barangay health workers, 3 tanod, 10 sibilyan na konektado pa din sa barangay at isang day care teacher.

Ang Mga Kabilang- SAP
Photo Credit: Inquirer

Narito ang mga sumusunod na lugar kung saan nakapagtala ng mga kaso ng nasabing anumalya:

  • San Agustin, Hagonoy, Bulacan
  • Batang Irosin, Sorsogon
  • Feliza, Bacolod City
  • Purok 3, Manuel Roxas, Gov. Generoso, Davao Oriental
  • San Pedro, Laguna
  • Bansalan, Davao del Sur
  • Old Balara, Quezon City
  • Mariblo, Quezon City
  • Quimloong, Bucay, Abra
  • Barangay 11, Zone 2, District 1, Tondo, Manila
  • Nati, Maasin, Southern Leyte
  • Kawit, Manito, Albay
  • Luzong, Manabo, Abra
  • Landayan, San Pedro City, Laguna
  • Kadakad, Narvacan, Ilocos Sur
  • Marinig, Cabuyao, Laguna
  • Barangay 9, Pasay City
  • Cabuyao Laguna
  • Nasaka, Maasin, Iloilo
  • Paimbugan, Aparri, Cagayan

Ang babala sa mga tiwali

Samantala nagbabala naman ang DILG na hindi nila palalampasin ang anumalyang ito at patuloy nilang hahabulin ang mga tiwaling barangay officials.

Ang Babala- SAP
Photo Credit: Tonite

Iginiit naman ng kagawarang ito na ang pondo sa ilalim ng SAP ay nakalaan para sa mga lubos na nangangilangan at hindi sa mga tiwaling mga opisyal ng barangay.

Bisitahin ang pinasbalita.org para sa iba pang mga balita.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: