Press "Enter" to skip to content

Saan Na Mapapanood Ang Mga Programa Ng Kapamilya Network Ngayong Shutdown Na Maging Ang TV Plus?

Nilinaw ng direktor at head ng TV production ng ABS-CBN na si Lauren Dyogi na may mga paraan pa rin upang mapanood ang mga paboritong programa ng masa. Ito ay matapos mag off-air ang lahat ng channels ng ABS-CBN TV Plus.

Shutdown sa ikalawang pagkakataon

Bilang pagtalima sa cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission o NTC sa ikalawang pagkakataon, nag shutdown na ang lahat ng lahat ng channel ng ABS-CBN nitong Martes, Hunyo 30, bandang alas otso y media ng gabi.

Saan Na Mapapanood Ang Mga Programa Ng Kapamilya Network Ngayong Shutdown Na Maging Ang TV Plus? 2

Dahil dito, blanko na ang lahat ng channels na mayroon ang mahiwagang blackbox o ang TV Plus na gumagamit ng digital transmission. Ang mga apektado sa cease and desist order ay ang mga channel na Teleradyo, Jeepney TV, Yey, Asianovela Channel, CineMo, at KBO.

May paraan pa

Subalit hindi ibig sabihin nito ay tuluyan ng hindi mapapanood ang mga programa ng ABS-CBN. Sa huling bahagi ng TV Patrol bago ang ikalawang shutdown kagabi, nilinaw ni Dyogi na patuloy na eere ang ilan sa mga programa sa mga piling channel.

Kabilang na dito ang Kapamilya Channel, IWant, The Filipino Channel o TFC, at maging sa online.

Ani Dyogi, “Mga Kapamilya, hindi niyo muna mapapanood ang inyong mga minamahal na programa sa TV Plus sa Metro Manila.”

“Subalit ang mga programang ito ay inyong mapapanood via satellite and cable TV, sa Kapamilya Channel, sa online, sa pamamagitan ng IWant. At sa ibang bansa, through the Filipino Channel.”

Panawagan

Nanawagan din sa taumbayan na tulungan ang nasabing media giant na makabalik sa ere sa lalong madaling panahon. Nais ni Dyogi na maging boses ng ABS-CBN ang mga taong sumusuporta sa kanila at sa kanilang programa.

“Nagpapasalamat po kami sa inyong suporta. Ramdam po namin ang inyong pagmamahal at makakaasa po kayo na patuloy naming ipaglalaban ang oportunidad para makapaglingkod sa bawat Pilipino sa buong mundo.”

Muli, nakikiusap po kami na inyong ipaalam, iparinig, at ipadama ang inyong saloobin tungkol sa shutdown. At tulungan niyo po kaming manawagan sa Kongreso na ibalik sa ere ang ABS-CBN. Maraming salamat po. Forever Kapamilya.”

Source: PEP.ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: