Press "Enter" to skip to content

Sabong Pa! Lalaki Sa GenSan, Nahawahan Ng COVID-19 Sa Isang Sabungan

Isang lalaki sa General Santos City ang nahawa ng COVID-19  dahil sa kanyang bisyo. Ayon sa kanya, nakuha niya ang sakit sa isang sabungan sa Davao City.

Ground zero

Nakilala ang lalaki sa pangalang William Gonzales, na siyang pinaka-unang pasyente ng COVID-19 sa General Santos City. Ngunit aniya, sa New Davao Manila Gallera siya nahawahan matapos dumalo sa isang 6-cock derby noong Marso.

Sabong Pa! Lalaki Sa GenSan, Nahawahan Ng COVID-19 Sa Isang Sabungan 2

Ayon sa DOH Region XI, 26 na COVID-19 cases sa Davao Region ay may koneksyon sa nasabing sabungan. Maging ang ilan sa mga nagpositibo sa North Cotabato, Maguindanao, Lanao Del Norte, Bukidnon, Butuan, at General Santos City ay iniuugnay sa Martina Gallera. Kaya naman, idineklara na itong ground-zero ng COVID-19.

Malaking premyo

Sa kwento ni Gonzales, malaki ang premyo noong panahon na ‘yun kung kaya naengganyo siyang pumunta. Nasa mahigit kumulang P26M ang ipamimigay kung kaya lakas loob siyang pumunta kahit pa nagbabadya ang panganib na dulot ng pandemic.

“Pero bago pumasok, ‘yung mga tao doon, tine-test naman. Wala akong napansin, pero siyempre minsan ‘yung sigaw-sigaw ba, yung mga laway siguro,” aniya.

Sabong Pa! Lalaki Sa GenSan, Nahawahan Ng COVID-19 Sa Isang Sabungan 3

Dahil sa napakaraming tao sa sabungan ay di niya alam kung sino talaga ang nakahawa sa kanya. Wala din umanong kahina-hinala kilos kung kaya wala siyang ideya na mahahawahan siya sa loob ng sabungan.

Nahawahan na

Makalipas ang tatlong araw mula ng dumalo siya sa sabungan, nagsimula na niyang maramdaman ang mga sintomas. Kaya naman kusa na siyang pumunta sa ospital upang magpatingin.

“Wala kang ganang kumain, parang umuubo-ubo ka na, parang lalagnatin ka na. Ako na mismo nagpunta doon sa ospital, ako na ang nagpa-admit,”

Sabong Pa! Lalaki Sa GenSan, Nahawahan Ng COVID-19 Sa Isang Sabungan 4

Tulad ng inaasahan, hindi naging madali para kay Gonzales na labanan ang nakamamatay na sakit. Bukod sa pisikal na karamdaman, dumagdag sa bigat ng kanyang dibdib ang paninira at panghuhusga sa kanya ng maraming tao sa social media. 

Sabong Pa! Lalaki Sa GenSan, Nahawahan Ng COVID-19 Sa Isang Sabungan 5

Umabot na sa puntong, nagbigay na siya ng pamamaalam sa kanyang mga mahal sa buhay kung sakali man na hindi niya kayanin ang laban. Dasal at kapit sa Panginoon ang naging lakas niya sa mga panahong hinang-hina siya.

“Lakas ng loob talaga, at panalangin. ‘Yung gusto mo ng mabuhay ba. Hindi pwede pa hina-hina. Pero minsan, hindi mo rin maiiwasan, nenerbyusin ka, marami kang iniisip na baka isa sa pamilya mo na magka-ganoon,”

Magaling na

Sa awa ng Diyos, pagkatapos ng higit 20 araw ay gumaling na siya. Laking pasasalamat din niya na sinagot ng pamahalaan ang kanyang bill sa ospital na umabot ng P700,000. 

Dahil sa karanasan, mas naging malapit umano siya ngayon sa Diyos. Buo na rin ang desisyon niya na tuluyan ng tumigil sa pagsusugal lalong lalo na ang pagsasabong.

“Siyempre, ‘yung nangyari sa akin, siyempre para maghinto na ako sa sabong, sa mga sugal-sugal kasi parang nakikita ko na hindi maganda,”

Sabong Pa! Lalaki Sa GenSan, Nahawahan Ng COVID-19 Sa Isang Sabungan 6

Payo niya sa mga katulad niyang humarap at humaharap pa sa laban ng COVID-19, dasal at lakas ng loob ang gawin nilang sandata, at huwag sumuko sa buhay.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: