Press "Enter" to skip to content

SAC Beneficiaries Na Nabigyan Sa Sariaya, Quezon, Nag-ambagan Para Sa Mga Di Nabigyan

Kasalukuyang patuloy ang pamimigay ng social amelioration cash sa Quezon province. Katulad din sa probinsya ng Quezon, marami ding residente ang naligwak na mabigyan ng ayuda mula sa gobyerno.

Pusong matulungin

Ngunit tila hindi dapat mangamba ang mga residente ng Barangay Manggalang Bantilan na hindi mabibigyan ng cash assistance sa Quezon province dahil nag-ambagan ang mga residenteng nakatanggap ng benepisyo upang ibahagi sa mga hindi pinalad na mapili ng ahensya ng DSWD. Higit na 700 na residente ang nakatanggap na ng cash aid sa Sariaya, Quezon, Barangay Manggalang Bantilan. P6,500 na ayuda ang natanggap ng bawat pamilyang napili. Ang nakakatuwa ay nagambagan ang mga ito upang mabigyan ang kanilang kapwa na hindi nabigyan. Ang iba ay nag-abot ng P500, habang ang iba naman ay nagbigay ng P1,000.

SAC Beneficiaries Na Nabigyan Sa Sariaya, Quezon, Nag-ambagan Para Sa Mga Di Nabigyan 2

Biyaya

Nais diumano ng mga residente na walang maiwang luhaan ang isa sa kanila sa kanilang barangay. Nakakatuwang nais ng mga ito na ipamahagi ang mga biyayang kanilang natanggap. Tuwang tuwa at malaki ang pasasalamat ng kanilang barangay captain na si Leoncio Umali dahil nagkakaisa ang mga residente sa kanyang nasasakupan. Liban pa diyan, mamimigay naman ng ayuda ang pamahalaan ng Sariaya sa mga pamilyang hindi mabibigyan ng cash aid.

SAC Beneficiaries Na Nabigyan Sa Sariaya, Quezon, Nag-ambagan Para Sa Mga Di Nabigyan 3

Sa kabilang banda, masaya ang lahat ng residente ng nasabing barangay dahil maraming kapwa nila ang taos sa puso ang pag-aambag.

Walang benepisaryo

Isang matanda naman ang nagpabatid ng reklamo mula sa Barangay Concepcion Uno sa Sariaya, Quezon ukol sa ayuda. Aniya ay binawi umano sa senior citizen ang P3,000 mula sa ayudang natanggap na P6,500. Ang nagrereklamong senior citizen ay kinilalang si Simeon Esguerra na nakatira lamang sa isang barong-barong at mag-isang binubuhay ang kanyang sarili. Ayon sa matanda, ipinakuha umano ng isang kagawad ang P3, 000 upang ibigay ito sa pinalabas na benepisaryo ng matanda base sa kanyang form.

Desisyon ng DSWD

Hirit naman ni Kagawad Anghel Magboo na syang tinuturo ng matanda ay hindi nito ipinagutos na bawiin ang pera. Aniya ay hindi pumayag ang DSWD na bigyan ng ayuda ang matanda dahil wala umano itong benepisaryo at nag-iisa lamang sa buhay. Liban pa riyan ay gumawa si Magboo ng paraan upang matulungan ang matanda at nilagay ang pangalan ng kapitbahay nito bilang benepisaryo. Ang kumuha aniya ng P3, 000 ay ang nakalistang kapitbahay na benepisaryo. Pangako naman ni Kagawad Magboo na ibalik sa matanda ang P1,500 na ayuda.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: