Press "Enter" to skip to content

SAC Form Na Ipinamimigay Sa Muntinlupa Iba Sa Normal Na Form, Mga Residente Nagtaka

Pinost ng isang netizen sa social media ang kakaibang SAC form na ipinamimigay ng DSWD sa kanilang barangay. Kaya ganun na lamang ang pagtataka ng mga taga Sitio Paraiso, Alabang Muntinlupa.

SAC form

Ayon kay Gladys Pastolero, na siyang nag-post sa social media. Laking pagtataka raw nila dahil iba ang binigay sa kanila na SAC form ng DSWD, hindi ito katulad ng form na pinamimigay sa ibang lugar.

SAC Form Na Ipinamimigay Sa Muntinlupa Iba Sa Normal Na Form, Mga Residente Nagtaka 2
Photo Credit: Gladys Pastolero

Hindi naman nagpaliwanag ang mga nagbigay kung bakit iba ang itsura ng form. Sinabihan na lamang ang mga residente na sagutan na lang ang naturang form. At pagkatapos ay hintayin na lang daw ang kanilang tawag.

Sino ang maka-tatanggap

Nagtataka ang mga residente kung bakit sinabi ng taga-DSWD na pagpipilian na lang daw ‘yung mga naka-fill-up sa form. Tatawagan na lang daw ang mga ito kung sino ang mapipili. Upang hindi na daw malaman ng iba kung sino ang makakatanggap. Aba, bakit may ganun?

SAC Form Na Ipinamimigay Sa Muntinlupa Iba Sa Normal Na Form, Mga Residente Nagtaka 3
Photo Credit: Veñegas G Jhia Meyn

Hindi malaman ng mga residente sa Barangay Alabang, kung mayroon ba silang matatanggap o wala. Para kasing hindi naman ito ang tamang form ayon pa sa kanila. Wala din silang ideya kung kailan at sino ang mga matatawagan.

Bukod sa naturang barangay, marami pang taga-ibang barangay ang nag-komento sa post ni Gladys. Pareho rin ang natanggap nila na form na kakaiba. At sa ganun din na proseso ang sinabi sa kanila.

Paano ba ang proseso

Ang tanong ng maraming residente, ayuda ba talaga ‘yun? Bakit wala man lang assessment na nangyari? Ano ba proseso na gagawin, babasahin lang ba ang mga nakasulat sa form at kung may mapili, ‘yun na lang ang tatawagan?

SAC Form Na Ipinamimigay Sa Muntinlupa Iba Sa Normal Na Form, Mga Residente Nagtaka 4
Photo Credit: Andie John Cayan

Hindi naman nila masisisi ang mga residente kung ito ay magtanong o magtaka sa binigay nila na form. Dahil malaki naman talaga ang pinagkaiba nito. Magkaroon naman dapat ito ng katanggap-tanggap na sagot o paliwanag.

Sa ating bansa ay malaya tayong magpahayag ng ating mga saloobin. Kaya karapatan din ng mga residente ang malinaw na paliwanag kung bakit iba ang SAC form na natanggap nila. Walang masama sa pagsagot sa mga tanong ng nakararami, makakatulong pa ito para mawala ang kanilang mga agam-agam.

#RaffyTulfoInAction itong FORM na ito ang ibinibigay sa amin ng taga DSWD ng BRGY ALABANG.hindi yung na/ SAC form/…

Posted by Yssa Valenzona on Sunday, April 26, 2020
Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: