Press "Enter" to skip to content

Sadistang Amo Di Malaman Kung Sa Selda O Mental Nababagay Dahil Sa Kalupitan

Last updated on March 18, 2020

Mag inang kasambahay halos mapatay na ng amo sa pagmamaltrato. Sa sobrang kalupitan nito gusto na siyang dalhin sa ipa check ni Idol Raffy sa psychiatrist bago ipakulong.

Sadista

Isang mag-inang kasambahay ang dumulog sa tanggapan ng mahusay na broadcaster na si Raffy Tulfo upang magsumbong laban sa kalupitan ng kanilang amo. Sina Angelina Tubia at anak niyang si Rea Tubia ay kapwa namamasukan sa bahay ni Trifona Salma. Ayon sa kanila ay sadista ang kanilang amo dahil sa tuwing nagagalit ito ay sinasaktan sila ng pisikal.

Kwento ni Rea halos araw araw na galit ang kanilang amo kahit sa kaunting bagay. Sa tuwing mainit ang ulo nito ang lagi silang sinasaktan. Lahat na ata ng klaseng pananakit ay nagawa na nito kay Rea.

Mula sa pamamalo gamit ang arnis, pagtudtod sa paa gamit ang martilyo, pagtanggal ng kuko, pananakal, pananabunot at pangangalmot. Ang pinaka malalang ginawa umano sa kanya ay ang pagtusok sa kanya ng kutsilyo at paggupit sa kanyang tenga.

Denial

Dagdag naman ni aling Angelina, pati siya ay sinasaktan din. Inuutusan pa umano siyang saktan ang kanyang sariling anak at kung hindi susunod ay siya ang hahampasin ng arnis. Ang malupit pa, sinasaktan na nga sila hindi pa sila binibigyan ng sahod ng nasa apat na buwan.

Hindi na matiis ni Rea ang kalupitan ng kanilang amo kung kaya tumakas ito at humingi ng tulong sa kanyang tiyahin upang maialis silang mag ina sa mala impyerno nilang kalagayan sa kamay ni Trifona. 

Todo tanggi naman si Trifona sa akusasyon laban sa kanya. Aniya, silang mag ina ang nananakit sa bawat isa at wala siyang ginagawang masama. Isang dating kasambahay din ang tinuturo niyang kasama sa pananakit kay Rea. Pinabulaanan naman ng mag ina ang katwiran ni Trifona dahil ayon kay Rea, ni hindi man lang daw siya nasisigawan ng ina. 

Mental

Dagdag pa ng mag ina, hindi sila makalaban dahil takot sila sa mga anak ni Trifona na pulis at sundalo. Kahit daw mga asawa ng mga pulis at sundalo ay nakikita silang sinasaktan ngunit pinapanood lamang sila ng mga ito at kung minsan pa ay nakikisali sa pananakit sa kanila. Bakas sa buong katawan ni Rea ang hirap ng dinanas niya. Puro peklat, pasa at sariwang sugat ang kanyang balat.

Nagalit si idol Raffy dahil sa narinig at kung kaya naman sasamahan silang magsampa ng demanda laban kay Trifona. Nais din niyang dalhin sa mental ang malupit na amo dahil aniya hindi gawain ng isang matinong tao ang ginawa ni Trifona sa mag ina. 

Narito ang video ng sumbong ng mag ina:

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: