Press "Enter" to skip to content

SAF, Nakabantay Na Sa NCR Para Sa Pagpapatupad Ng Lockdown

Manila, Philippines – Ikinalat ang Special Action Forces (SAF) commandos sa sampung lugar sa Metro Manila kung saan sobrang dami ang mga pasaway sa enhanced community quarantine (ECQ) at social distancing.

Pagpapakalat

Sabi ni Joint Task Force COVID Shield commander Lt. General Guillermo Eleazar, ang pagpapakalat ng aabot sa 116 SAF commandos ay inaprubahan ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Gamboa.

SAF, Nakabantay Na Sa NCR Para Sa Pagpapatupad Ng Lockdown 2
Source: Inquirer

Dagdag pa nito, ito ay iniutos para masiguro na susunod sa ECQ ang mga tao upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon pa kay Guillermo,

“They will assist the local police in enforcing the ECQ. We believe that the presence of our SAF commandos will further compel hard-headed people to behave and follow the ECQ.”

Pag aresto sa lumabag

Pahayag pa ni Eleazar, mas magiging maayos at susunod ang mga tao dahil strikto ang SAF sa pagpapatupad ng nasabing disiplina.

SAF, Nakabantay Na Sa NCR Para Sa Pagpapatupad Ng Lockdown 3
Source: Inquirer

Sabi ni Eleazar,

“Our SAF men have the authority to arrest violators of our ECQ Guidelines. As have stated before, there will be no double standard in the implementation of our ECQ so regardless of your social status, you will be arrested if you violate the Home Quarantine.”

Lugar na apektado

Samantala, hinati ang nasabing bilang ng SAF troopers sa 12 teams at ikinalat ang mga ito sa mga lugar kung saan madaming pasaway sa ECQ at social distancing.

SAF, Nakabantay Na Sa NCR Para Sa Pagpapatupad Ng Lockdown 4
Source: Yahoo News

Kabilang dito ay ang mga sumusunodd na lugar:
– Blumentritt sa Sta. Cruz, Manila
– Libertad sa Pasay City
– Pasig Palengke
– Public market sa Napindan Taguig
– Public market sa Lower Bicutan Taguig
– Public Market sa Las Pinas City
– North Caloocan
– Alabang Public Market
– Bagong Paranaque Public Market
– Marikina Public Market

Dagdag na naka-toka

Sinabi pa Eleazar na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga SAF troopers na kanilang ikakalat depende umano sa situwasyon ng isang lugar.

SAF, Nakabantay Na Sa NCR Para Sa Pagpapatupad Ng Lockdown 5
Inquirer

Ayon sa kanya,

“We are assessing the situation on the ground on a daily basis. With the approval of our Chief PNP, we could increase the number of our SAF personnel in the coming days depending on the situation on the ground.”

Pag babantay sa lugar

Ayon naman kay SAF Director Maj. Gen. Amando Clifton Empiso na kasamang umikot upang i-deploy ang kanyang mga tauhan, bukod sa kanilang ikinalat kahapon ay mayroon pa silang standby forces na handing tumulong sa lokal na pulisya sakaling kailanganin.

SAF, Nakabantay Na Sa NCR Para Sa Pagpapatupad Ng Lockdown 6
Source: Inquirer

Pahayag pa ni Empiso,

“Our SAF has always been in the frontline in any kind of battle, we are willing to do our share to win this fight against COVID-19, this time, in helping in the enforcement of the necessary measures to ensure that the virus is contained.”

Samantala, sinabi ni Eleazar na kailangan sumunod ang mga mamayan sa patakaran upang magkaroon ng matiwasay na pagpapatupad at maiwasan ang pag dami ng mga namamatay at nagkakasakit dahil sa Covid-19.

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: