Press "Enter" to skip to content

Sakim Na Doctor, Binakuran Ang Daanan. Mga Na Perwisyong Residente, Umalma!

Manila Philippines – Binakuran at hinarangan umano ng isang hindi pinangalanang doktor ang isang daanan sa barangay dagat-dagatan na nag dulot ng abala at perwisyo sa mga residenteng nakatira rito.

Mga residenteng na perwisyo

Ayon sa Facebook post ni Jocelyn Ilagan, sobrang laking perwisyo umano ang naidulot ng pagbakod sa daanan dahil naiipon ang tubig baha at nahihirapan ang mga taga-rito na dumaan. Dahil umano dito ang lagusan ng palabas at papasok ng kanilang lugar ng mga residnte doon.

Sakim Na Doctor, Binakuran Ang Daanan. Mga Na Perwisyong Residente, Umalma! 2
Photo Credits: Jocelyn Ilagan/Facebook

Pahayag pa ni Jocelyn sa kaniyang Facebook post, sana naman daw ay maawa sa kanila ang naturang doktor at kung maari ay paki ayos daw ang ginawa nito nang sa gayon ay walang maperwisyong daraan.

Aniya,

“Please po DOK, hindi ko po alam full name nyo maawa naman po kayo sa aming mga dumadaan jan sa may gate ng dagat-dagatan pakiayos naman po ang gawa nyo yung walang mga taong maperwisyo.”

Madulas na daanan

Nang dahil sa pagbabakod na ginawa ay bumaha at nag mistulang stagnant water ang nasa daanan dahil wala umanong lalabasan ang tubig na naipon kapag umuulan. May ilang residente na rin daw ang nadulas at kamuntik pang maaksidente ng dahil sa baha at hindi makita na daanan.

Sakim Na Doctor, Binakuran Ang Daanan. Mga Na Perwisyong Residente, Umalma! 3
Photo Credits: Jocelyn Ilagan/Facebook

Kitang kita din sa naturang larawan ni Jocelyn, ang tila maruming tubig at galing pa yata sa umapaw na poso negro ang nasabing baha.

Aniya,

“Parang may galing pa sa kobeta oh, ihi.”

Pahayag ng mga nakabasa ng post

Nag labas rin ng saloobin ang tila mga kapit bahay at kakilala ni Jocelyn sa Facebook post nito. Samantala, nag pahayag ng pagkainis ang mga netizen dahil sa nakita. Ayon sa isang netizen ay hinarang raw ng husto ang bakod kaya walang matakbuhan ang tubig at dahil magdamag na umulan sa kanila ay siguradong babaha sa nasabing daanan.

Sakim Na Doctor, Binakuran Ang Daanan. Mga Na Perwisyong Residente, Umalma! 4
Photo Credits: Jocelyn Ilagan/Facebook

Dagdag pa ni Jocelyn,

“baha nga kagabi lang hanggang tuhod ang tubig Jusko lord ang itim pa naman ng tubig na lulusungan mo..no choice talaga.”

Ayon pa sa ilan sa mga nag comment ay tila wala raw pakialam ang nasabing doktor dahil hindi naman daw sila ang mapeperwisyo.

Ang paki-usap sa Doktor

Sinubukan na umano nila Jocelyn na kausapin ang doktor ngunit hindi raw sila nito pinansin at ang misis lamang nito ang humarap sa kanila.

Ayon kay Jocelyn,

“oo nga hindi nga ako pinansin ni dok kagabi nung sinabi ko na grabeng baha sa daanan natin..tapos yung misis nya nagsabi bakit daw hindi c ate Shauny ang kausapin tungkol jan alangan naman daw idaan sa kanila yung baha..tama ba yun?”

Sa ngayon ay umaasa pa rin ang mga residente doon lalo na si Jocelyn na sana’y dinggin ng doktor ang kanilang hinaing.

Source: Jocelyn Ilagan / Facebook Post

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: