Press "Enter" to skip to content

Salalima: Cease and Desist Order Na Inilabas Ng NTC Laban Sa Abs-Cbn Walang Bisa

Ayon kay dating DICT Secretary na si Rodolfo Salalima, wala daw bisa ang inihain na Cease and Desist Order laban sa ABS-CBN ng NTC. Nilabag diumano nito ang constitutional right ng istasyon.

Walang bisa

Nilabag daw ng National Telecommunications Commission o NTC ang constitutional right ng network sa due process. Ito ay ayon kay dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary na si Rodolfo Salalima.

Salalima: Cease and Desist Order Na Inilabas Ng NTC Laban Sa Abs-Cbn Walang Bisa 2
Photo Credit: ABS-CBN News

Sinabi din niya na nilabag daw ng NTC ang sarili nitong rules, dahil sa hindi man lang daw nito nabigyan ng pagkakataon ang ABS-CBN na magkaroon ng hearing o notice man lang laban sa tigil-broadcast nito.

Salalima: Cease and Desist Order Na Inilabas Ng NTC Laban Sa Abs-Cbn Walang Bisa 3
Photo Credit: ABS-CBN News

Noong Mayo 6, 2020, naglabas ang NTC ng CDO laban sa higanteng istasyon. At sa mismong araw na din ‘yun ay nagkusa ng nagsara ang Kapamilya network. Ayon sa NTC, Mayo 4 pa lang ay wala ng bisa ang kanilang prangkisa at hindi na sila pwede pang magpatuloy sa operasyon.

Paliwanag ni Salalima

Ipinaliwanag ni Salalima kung bakit hindi dapat naglabas ng CDO ang NTC sa istasyon. Ayon pa sa kanya mali din aniya ang naging hakbang nito. Narito rin ang kanyang post sa kanyang facebook.

Salalima: Cease and Desist Order Na Inilabas Ng NTC Laban Sa Abs-Cbn Walang Bisa 4
Photo Credit: ABS-CBN News

“Was there a Petition or Complaint filed with the NTC questioning the continued operation of ABS-CBN predicated on the expiry of its franchise? If the Petition was dated and filed on May 5th with the NTC, then the CDO also dated May 5, 2020 was clearly issued with precipitate haste and thus void given the interval between the FILING of the Petition and the ISSUANCE of the CDO – – both May 5, 2020,” he said.

“If the Petition was filed before May 5th, or prior the expiration of the ABS-CBN’s franchise on May 5th, then the Petition is PREMATURE IN LAW and thus there was NO CAUSE OF ACTION versus ABS-CBN as yet as at the filing date of the Petition, if any. In consequence, the CDO is likewise void ab initio. The Petition dated PRIOR to May 5, 2020, if any, because premature, should have been dismissed outright,” he explained.


Abangan ang susunod

Umapela sa Korte Suprema ang ABS-CBN upang humingi ng Temporary Restraining Order o TRO laban sa Cease and Desist order ng NTC. At hanggang sa ngayon ay wala pa rin inilalabas na desisyon ang korte.

Abangan na lamang natin ang susunod na mga mangyayari sa mainit na kasong ito. Mabibigyan kaya sila ng TRO? Makakabalik pa kaya sila sa ere? ‘Yan ang mga tanong ngayon ng nakakarami.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: