Press "Enter" to skip to content

Salamat Yorme! Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) Inilunsad Sa Sta. Ana Hospital

“Handa ang Maynila”, yan ang pangako ni Mayor Isko Moreno sa kanyang Facebook post nitong Biyernes.

Ang anunsyo

Sa gitna ng COVID-19 crisis, pormal na inanunsyo ni Mayor Isko ang agarang pagtayo ng Manila Infectious Disease Control Center o MIDCC.

Salamat Yorme! Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) Inilunsad Sa Sta. Ana Hospital 2
Photo credit: GOVPH

Ito’y sa tulong ng Department of Engineering and Public Works (DEPW) na pinangunahan ng punong-kawani na si Engr. Armand Andres, at ng director na si Dra. Grace Hermoso Padilla ng Sta. Ana Hospital.

Kaakibat ang mga nurses at doktor, handa na ang MIDCC na tumanggap ng mga pasyenteng may coronavirus disease.

“Tapos na po ang ating bagong Manila Infectious Disease Control Center sa Sta. Ana Hospital, operational at ready na po s’ya para kalingain ang mga kababayan natin maaring magkasakit tungkol sa kinakaharap natin na COVID-19,” pahayag ni yorme.

Mga frontliners

Bagamat sobrang importante ng pagpapatayong ito, ang tagumpay ng nasabing proyekto ay nakasalalay pa rin sa mga frontliners na nagbubuwis ng kanilang buhay upang tiyaking ligtas ang bawat mamamayan.

Salamat Yorme! Manila Infectious Disease Control Center (MIDCC) Inilunsad Sa Sta. Ana Hospital 3
Photo credit: GOVPH

Dahil dito, ipinahayag ng alkalde ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga doctor, nurse, at iba pang frontliners.

 “Alam ko po na hindi magiging madali ang bigyan ng agaran at sapat na medical attention ang mga magiging pasyente natin na mga taga-Lungsod, ngayon pa lamang maraming salamat na sa inyo at sa inyong pamilya,” aniya.

“Isasama namin kayo sa aming mga dalangin sa Panginoon Diyos, para sa inyong kaligtasan at kalusugan,” dagdag pa ni Mayor Isko.

Mga gabay

Upang mapanatiling sanitized ang MIDCC sa lahat ng oras at maiwasan ang paghawa ng virus, naglabas din ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila ng mga gabay o guidelines sa Facebook post ng alkalde.

Nakasaad dito ang wastong paraan ng pagsuot ng personal protective equipment, wastong paraan ng pag disimpekta sa sinuot  na personal protective equipment, at wastong paraan ng pag hubad at pagtapon sa sinuot na personal protective equipment.

Sama-sama nating labanan ang COVID-19 at suportahan ang pamahalaan.

Source: Facebook and GOVPH

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: