Press "Enter" to skip to content

Salesman Inaresto, Pagkatapos Magpost Sa Social Media Laban Kay Pangulong Duterte

Isang salesman mula Nasipit, Agusan del Norte ang inaresto matapos na mag-post sa social media na tungkol kina Senator Bong Go at Pangulong Duterte. Tinawag niya pang baliw ang Pangulo.

Post sa social media

Inaresto si Reynaldo Orcullo, taga Agusan del Norte noong Miyerkules sa may bayan ng Nasipit. Matapos niyang mag-post sa social media, laban sa Pangulong Duterte at kay Senador Bong Go.

Salesman Inaresto, Pagkatapos Magpost Sa Social Media Laban Kay Pangulong Duterte 2
Photo Credit: ABS-CBN News

“ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG GAGO. BUANG SI DIGONG.”

Translation: “Alam na ang pattern, lalabas si Go kunwari hihiling siya sa Pangulong Digong. G***, baliw si Digong.”

Sa pagsanib pwersa ng Regional Anti-Cybercrime Unit at Nasipit Municipal Police Station at pinuntahan si Reynaldo kung saan siya nagtatrabaho. Nakumpiska din ang cellphone na ginamit niya sa pagpopost.

Sasampahan ng kaso

Nahaharap sa kasong violation of Republic Act 10175 or the Cybercrime Prevention Act of 2012 si Reynaldo dahil sa mga sinabi niya tungkol kina Senador Go, at Pangulong Duterte.

Salesman Inaresto, Pagkatapos Magpost Sa Social Media Laban Kay Pangulong Duterte 3
Photo Credit: ABS-CBN News

Matuto na sana

Matuto na sana ang ating mga kababayan na wag basta-basta magpopost o magsabi lang ng kung ano-ano, lalo na kung laban sa mga may mataas na posisyon sa gobyerno.

“I remind our social media users to think thrice before posting on any social media platform. Be responsible netizens. We do enjoy the blessings of democracy but never go beyond from what you think is right without minding you violate the provisions of the law,” Brig. Gen. Joselito Esquivel Jr., Caraga regional police chief, said in a statement.

Kung hindi naman makakatulong sa atin ang ating pagpo-post sa social media ay wag na lang tayong makisawsaw. Marami na rin naunang nabalita na nahuli dahil sa kanilang mga post.

Hindi ito ang tamang paraan kung gusto mong sumikat o magpasikat, dahil kung paninira lang din ang iyong sasabihin, manahimik na lang. Marami pang mga bagay ang mas mahalagang gawin, hindi ‘yung manira o magsalita ng masakit sa kapwa.

Source: CNN Philippines

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: