Press "Enter" to skip to content

#SamahangWalangKatulad: SMC President Ramon Ang, Lubos Na Hinangaan Ng Netizens

Taos-puso ang pasasalamat ng maraming netizens sa presidente ng San Miguel Corporation na si Ramon Ang dahil sa lubos na pagtulong nito sa maraming Pilipino sa gitna ng laban ng bansa sa krisis at pandemic.

Viral post

Viral ang post ng netizen na si Rony Gandeza na naglalayon ng pagsaludo sa maraming bagay na naitulong ng SMC President Ramon Ang ngayon sa bansa. Bagaman ay direktang natamaan ang negosyo nito ng pandemic, nangibabaw ang kagandahang loob nito na tumulong sa marami sa atin.

Lubos na pagtulong

Ayon kay Gandeza, ipinagamit ni Ang ang kanyang mga gin factory upang maging pansamantalang pagawaan ng mga ethyl alcohol at ipamigay ang mga ito sa mga ospital nang libre. Nitong nakaraang buwan ay sinimulan ng kumpanya na magproduce ng mga nutribun upang libreng ipamahagi sa mga pamilyang nangangailangan.

#SamahangWalangKatulad: SMC President Ramon Ang, Lubos Na Hinangaan Ng Netizens 2

Sa ngayon, higit 1.1 million na kilo ng bigas ang naipamahagi nito sa mga mahihirap na pamilya.

“He decided to convert their gin factories to produce ethyl alcohol and give it to hospitals…for free! They also started making nutribun and distribute it to communities in need of food. For free!”

Sa post nito,

“So far, they have donated and distributed 1.1 million kilos of rice to poor families.”

#SMCCares

Hindi rin nalimot ni Ramon Ang ang mga frontliners ng bansa na kung saan ay nagdonate ito ng $10m worth na protective gear and equipments. Pati rin ang libo-libong empleyado ng malaking kumpanya ni Ang ay nakatakdang tumanggap ng buong sahod. Heto naman ang pahayag ni Ang sa tanong kung ito ba ay nagaalala na naipapamigay na nito ang pera ng kumpanya,

“We can make money again but life, once you lose it, it’s gone forever. So between money and life…I’d choose life.”

#SamahangWalangKatulad: SMC President Ramon Ang, Lubos Na Hinangaan Ng Netizens 3

Lubos naman ang paghanga ni Gondeza kay Ramon Ang,

“In a confused world, we have a Filipino business leader who can see clearly. Mr. Ang, maraming maraming salamat! Your story is worth sharing.”

“Iba talaga ang may pinagsamahan”

Hinangaan

Taos puso naman ang pasasalamat ng maraming netizens sa SMC president. Anila ay napakatapang nito at handa ang pagtulong sa tao sa kabila ng pinagdadaanan nitong dagok sa buhay na kung saay ay kamakailang pagpanaw ng anak nito.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: