Press "Enter" to skip to content

Sampaloc District, Isasailalim Sa 48 Oras Na Hard Lock Down

Ipinahayag ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang buong Sampaloc District ay isasailalim sa 48 na oras na hard lock down simula sa Huwebes, ika-23 ng Abril, ganap na 8:00 ng gabi hanggang ika-25 ng Abril, alas 8 ng gabi.

Ang mahalagang hakbang

Ito ay ipinahayag ni Mayor Isko Moreno sa kaniyang Facebook Live Broadcast kaninang hapon. Sinabi ni Mayor na ang hakbang na ito ay naging resulta ng masusing pag aaral at pagsangguni sa iba’t ibang departamento na nakatuon sa krisis na ito.

Sampaloc District, Isasailalim Sa 48 Oras Na Hard Lock Down 2
Total Lock Down

Dagdag pa niya, “Marami na pong tiga Sampaloc ang humihingi na ng tulong sa Lungsod ng Maynila na magkaroon na po ng total lock down o hard lock down.”

Ang basehan ng proklamasyon

Noong ika-20 ng Abril, ganap na 5:00 ng hapon, nakapagtala ang Sampaloc ng 99 na bilang ng taong positibo sa COVID-19, samantalang nagtala sila ng 285 suspected cases. Ito ay isa sa pinakamataas sa buong Maynila.

Sampaloc District, Isasailalim Sa 48 Oras Na Hard Lock Down 3
Ospital ng Sampaloc

Maaalala rin na 2 linggo na ang nakalipas ng pansamantalang ipasara ang Ospital ng Sampaloc. Ito ay dahil sa mga pasyente na hindi agad nagsabi ng totoo sa mga health care workers noong sila ay nagpapakonsulta. Kinalaunan, nahawa ang 7 doktor, 2 nurse at isang admin staff ng nasabing hospital

Ang hindi kasama sa hard lock down

Nagtala si Mayor Isko na may iilan na tanging exempted sa nasabing hard lock down. Una rito ay mga healthcare workers (doktor, nurse, clinic aides at technician ng laboratoryo at dialysis). Kasama din sa listahan ang mga opisyal at miyembro ng PNP, AFP, PCG at nagtatrabaho sa gobyerno bilang mga frontliners.

Sampaloc District, Isasailalim Sa 48 Oras Na Hard Lock Down 4
Frontliners

Kasama din sa exempted ang mga nagtatrabaho sa botika, maging ang kawani ng barangay – chairman, kagawad, secretary, treasurer at Ex-O (puno ng mga tanod), at panghuli. Bukod dito, kasama din sa exempted ang miyembro ng media na accredited ng PCOO (Presidential Communications OperationsOffice) at IATF (Inter Agency Task Force).

Ang pakiusap

Sa huli, winika ni Mayor Isko na ang hakbang na ito ay para sa kabutihan ng lahat. Dagdag pa niya, inagahan na nila ang pag anunsiyo ng naturang hakbang upang magkaroon pa ng sapat na panahon ang mga tao para maghanda, at para maihatid pa ng pamahalaang lungsod ang mga food packs sa natitirang pamilya na di pa naabutan sa Sampaloc.

Sampaloc District, Isasailalim Sa 48 Oras Na Hard Lock Down 5
Manila PIO

Babala din ni Mayor Isko na ang mga lalabag sa hard lock down ay dadalhin sa isang holding facility. Sa huli, nakiusap ang punong lungsod na sana ay sumunod ang lahat sa nasabing kautusan. Sabi niya sa mga taga-Sampaloc, “Minsan, maasim man ang suka, kailangan natin inumin”

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: