Press "Enter" to skip to content

Sanggol Patay Ilang Minuto Lang Matapos Maturukan Ng “Pampakalma” Sa Loob Ng Ospital, Pamilya Hustisya Ang Hiling

Isang sanggol na dalawang buwan pa lamang ang namatay matapos maturukan ng gamot sa loob ng ospital. Dahil dito, humihiling ng paliwanag at hustisya ang pamilya ng sanggol mula sa ospital.

Pagkakasakit ni baby Angelo

Ayon sa post ni Jane Agustin, nakaranas ng pagsusuka at pagtatae si baby Angelo ng tanghali pa lamang. Dahil hindi umaayos ang pakiramdam ng sanggol ay isinugod na ito sa ospital sa Boac, Marinduque upang sa pag-asang aayos ang pakiramdam ng bata kung maaasikaso ito ng mga eksperto. Subalit walang doktor at puro nurse lang ang nag asikaso sa bata.

Sanggol Patay Ilang Minuto Lang Matapos Maturukan Ng “Pampakalma” Sa Loob Ng Ospital, Pamilya Hustisya Ang Hiling 2

Pagdating sa ospital ay nilagyan ng swero ang sanggol at tinurukan sa hita ang sanggol ng gamot na hindi alam ni Jane kung anong pangalan.Nagtataka si Jane kung bakit hindi man lang dumaan sa skin test ang sanggol para malaman kung may allergy ba ang bata sa gamot.

Pagkamatay ng sanggol

Subalit ayon sa mga nurse, walang masamang epekto ang gamot na kanilang itinurok sa bata. Ito umano ay para kumalma at makatulog ang sanggol. Ilang minuto matapos maturukan ang sanggol ay may lumabas na mapupulang pantal sa buong katawan ni baby Angelo.

Sanggol Patay Ilang Minuto Lang Matapos Maturukan Ng “Pampakalma” Sa Loob Ng Ospital, Pamilya Hustisya Ang Hiling 3

Ayon kay Jane, unti-unti ay tila nanghina si baby Angelo. Nangitim din ito at ilang minuto lamang ay nawalan na ng buhay. Suspetsa ni Jane, ang gamot na itinurok kay baby Angelo ang dahilan kung bakit ito binawian agad ng buhay.

Hustisya

Kinukwestiyon din niya kung bakit tila laging walang doktor sa naturang ospital upang gumamot sa mga pasyente. Hindi matanggap ng pamilya ang biglaang pagpanaw ng kanilang munting anghel. Sa ngayon, humihingi ng paliwanag at hustisya ang pamilya ni Jane para sa pagkawala ni baby Angelo.

Dasal ng pamilya na malaman ito ng marami upang hindi na maulit pa sa ibang sanggol ang nangyari kay baby Angelo. Ayon sa mga netizen, ang ospital na inaasahan nilang sasagip sa buhay ng sanggol ay tila naging mitsa pa ng pagkamatay ng bata.

Source: Gwapong Marinduqueno

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: