Press "Enter" to skip to content

Sanggol Patay Matapos Dalhin Sa Hospital; Sigaw Ng Ama Hustisya

Isang ama ang humihingi nang tulong sa programa ni idol Raffy na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang sanggol na anak. Ang sanggol ay namatay matapos dalhin sa community hospital ng lungsod ng Sta. Rosa.

Ang pagkamatay

Ayon sa ama ng sanggol na si Reynante Romo Rabaya dinala ang sanggol sa kanilang health center noong ika-12 ng Mayo dahil sa lagnat ngunit binigyan lamang ito ng gamot na paunang lunas para dito. Kinabusakan ay tumaas muli ang lagnat nito kaya ito ay isinugod ng kanyang asawa sa community hospital sa lungsod ng Sta. Rosa.

Ang Pagkamatay- Sanggol
Photo Credit: Facebook

Pag dating sa nasabing hospital ang bata diumano ay kinumbulsyon at ang ginawa ng hostpital ay tinurukan ng tinurukan sa magkabilang braso at hita. Dahil nasa trabaho ito nang mga oras na iyon tanging asawa lamang ang naroon na syang nakausap ng doktor kung saan sinabi na wala na diumanong tubo ang hospital para maikabit sa bunganga ng bata kung sakaling tumigil ang pag hinga nito.

Ang pag tanggi

Ayon pa din sa ama, handa naman diumano silang bumili ng tubo kung kinakailangan ngunit ang tugon ng doktor dito ay wala na diumano silang machine na magagamit. Tumanggi din ang doktor na ilipat ang bata at sinabing kung ililipat pa ito ay maaring hindi na ito umabot. Samantala nang mag pumilit diumano ang mag asawa na ilipat na ang anak ay hinigian na diumano sila ng down na nagkaka-halaga ng 70,000 libong piso.

Ang Pagtanggi- Sanggol
Photo Credit: Facebook

Dahil sa sinabing ito ng doktor hindi na malaman ng ama kung ano ang gagawin sa kanyang nag-aagaw buhay na anak. Sinubukang irecord nito ang kanilang naging pag-uusap ngunit ng makahalata diumano ang doktor, ay agad nitong tinalikuran ang kanilang pag-uusap sa video call at makalipas ang 4 na oras ay binawian na ng buhay ang kanyang anak.

Sigaw ay hustisya

Sa ngayon ang sigaw ng ama ay hustisya para sa pagkamatay ng kanyang sanggol na anak. Ang insidente ay ipinost ng ama sa kanyang social media kung saan ito ay humihingi ng tulong na mabigyan ng hustisya.

Sigaw Ay Hustisya- Sanggol
Photo Credit: Facebook

Sa ngayon ay wala pang tugon ang nasabing programa ni idol na Raffy Tulfo In Action.

Para sa iba pang mga impormasyon at balita bisitahin lamang ang Pinasbalita.org

Source: FACEBOOK

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: