Press "Enter" to skip to content

Sanofi Haharap Sa Kasong Manslaughter Dahil Sa Mga Side Effects Ng Gamot Para Sa Epilepsy

Ang kasong  manslaughter laban sa Sanofi ay nag ugat sa gamot nilang Depakine, ang binibentang gamot para sa epilepsy. Dahil ayon sa mga pagaaral, nagdudulot ng mga disabilities sa mga 15,000-30,000 mga bata, na ang mga ina ay umiinom nito habang ipinagbubuntis ang nga bata.

Nagsimula pa noong 2016

Nakitaan ng kasong manslaughter ng French prosecutors ang Sanofi, dahil sa nakitang defects ng mga batang ipinanganak ng mga ina, na umiinom ng gamot para sa epilepsy habang nagbubuntis. Nakita rin ng korte na may mga anomalya ang kompanya. Ang Sanofi rin gumawa sa kontrobersiyal na Dengvaxia.

Sanofi Haharap Sa Kasong Manslaughter Dahil Sa Mga Side Effects Ng Gamot Para Sa Epilepsy 2
photo Credits: Reuters

Depakine

Ang Depakine ay may Sodium valproate, bilang active molecule, at matagal nang binibenta simula noong 1967 pa, bilang lunas sa epilepsy at bipolar disorder. Ito ay kasama sa mga listhana ng World Health Organization’s (WHO) list bilang “essential medicines”.

Sanofi Haharap Sa Kasong Manslaughter Dahil Sa Mga Side Effects Ng Gamot Para Sa Epilepsy 3
Photo Credits: TRT World

Ang French National Agency for the Safety of Medicines (ANSM) at National health insurance administration ay, nagsabi na, ang mga babaeng buntis na uminon sa gamot ay nagkaroon ng 10-40% tsansang o risk sa pagkakaroon ng congenital malformations, autism and learning difficulties.

Sabi ni Mahmoud Zureik, scientific director of ANSM and co-author of the report,

“The study confirms the highly teratogenic nature” – very likely to cause birth defects – “of valproate.”

Sanofi Haharap Sa Kasong Manslaughter Dahil Sa Mga Side Effects Ng Gamot Para Sa Epilepsy 4
Photo Credits: Telegraph

Ang Valproate, ay ginagawa ng France-based company, Sanofi, bilang gamot sa epilepsy, sa ilalim ng brandname na Depakine at Depakote. Habang, ang Depamide ay para bipolar disorder. Kapwa ay sinasabing naging cause of slow neurological development.

Patong patong na kaso

Maliban sa manslaughter, haharap din ang Sanofi sa iba pang mga kaso na inihain ng mga 42 pang pamilya na naging biktima. Sa halip nito, nanindigan at iginiit pa rin ng kompanya na sapat ang inpormasyon ibinigay nila, at sa pagbigay ng babala sa peligrosong side effects ng gamot noong 1980s pa.

Dagdag ng Sanofi, “i contests nila ang validity sa proceedings” at gumawa na sila ng legal actions para hamunin ang naging findings ng mga prosecutors.

Sa ilalim ng French legal system, ang mga nakikitang mga kaso o violations of laws, ay hindi automatikong nagreresulta ng court trials, dahil pwedeng mag desisyon ang mga prosecutors kung itutuloy sa court hearing o hindi, depende sa mga nalikom na ebidensiya.

Sanofi Haharap Sa Kasong Manslaughter Dahil Sa Mga Side Effects Ng Gamot Para Sa Epilepsy 5
Photo Credits: JNS ournal Of Neurosurgery

Alam ang mga side effects

Noong nakaraang buwan, ang administrative court of Montreuil, ay inutusan ang France, na magbayad ng damages dahil sa kapabayaan nitong magpatupad ng safety precautions sa naturang gamot para maprotektahan ang publiko.

Napatunayan ng korte na alam ng mga French Health Officials ang tungkol sa side effects ng Depakine noong pang 1983, at ang mga side effect ng learning disabilities at autism noong 2004.

Ang Sanofi, ay isa din sa mga kompanyang gumagawa ngayon ng bakuna para sa COVID-19 virus, at pinondohan ng America para sa paggawa ng bakuna.

Source: Aljazeera

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: