Noong ika-5 ng Agosto, ang pangalawang tranche ng social amelioration program (SAP) na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development ay nakapagbigay na ng tulong pinansyal sa humigit kumulang na 10 milyon na mga pamilya.
Ang tulong pinansyal
Matatandaan nong magkaroon ng lockdown ay nagsimula nang mamahagi ng tulong ang gobyerno. Isa na rito ang SAP na nasa ilalim ng Bayanihan to heal As One Act of 2020 at pinamunuan ito ng DSWD. Nagsimula itong mamahagi ng unang tranche noong Abril at ang pangalawa naman ay dapat noong Mayo.

Ang SAP 2 ay dapat nagsimula noong Mayo ngunit dahil nais ng DSWD na patunayan ang mga makakakuka o magkaroon ng background check, ito ay nagsimula noong katapusan ng buwan ng Hunyo.
Bilang ng mga natulungan
Ayon sa datos na naitala noong ika-5 ng Agosto, ang SAP na pinangungunahan ng DSWD ay nakatulong na sa 9,771,490 na mga pamilyang nangangailangan. Sila ang mga pamilya na lubhang apektado ng pandemya dahil nahinto sila sa kanilang mga trabaho o nawalan ng pinagkakakitaan. Ayon sa DSWD, mayroong nang kabuuan na P69.2 billion na halaga ang naibigay na tulong pinasyal sa mga pamilya.

Ang tulong pinansyal ay magsisilbing kaunting ginahawa sa mga Pilipino upang makabili ng mga kakailanganin sa araw-araw.
“Patuloy ang pamamahagi ng emergency subsidy sa mga benepisyaryo ng SAP, kabilang ang mga waitlisted o karagdagang mga pamilya,” ayon sa DSWD.
Mga nararapat na bigyan
Matapos ang mausisang pagtingin sa background ng mga makakatanggap, ang tinatayang 17 milyon na mga benepisyaryo ay bumaba at naging 14.1 milyon na mga pamilya na lamang. Ayon kay DSWD Undersecretary Glen Paje, ang ahensya ay humarap sa mga pagsubok sa pagmamahagi ng tulong.

Ang kalusugan ng mga empleyado ay nasa peligro dahil sa sakit na COVID-19. Noong Hunyo 15 ay inantala muna ang ilang mga operasyon para sa kaligtasan ng kanilang mga empleyado, lalo na ang mga nasa labas at nakikihalo-bilo sa ibang tao.
Porsyento ng mga nabigyan
Ayon sa DSWD, ang itinakdang 80% na mabibigyan sa katupusan ng Hulyo ay hindi nakamit, dahil nasa 77% palang ang nabigyan noong Agosto 4. Pero patuloy na nagsisikap ang ahensya na makapagbigay ng tulong at matapos ang pamamahagi sa Agosto 15.

Dagdag nito, na hindi pinabayaan ng mga officials ang kanilang resposibilidad at gagawin ng ahensya ang lahat upang makatulong sa mga mamamayan. Ayon naman sa Malacañang, ang pamamahagi ng ikatlong tranche ay nakasalalay sa ipapahayag ng kongreso.
Source: Philippine News Agency
Be First to Comment