Press "Enter" to skip to content

Sapak Ang Inabot Ng Isang Lalaki, Matapos Maaktuhang Nagnanakaw Ng Bisikleta

Nakuhanan ng  video ng isang netizen kamakailan lang ang isang lalaki na hinuli ng mga opisyal ng MMDA matapos maaktuhang nagnanakaw ng bisikleta. Nagpupumiglas pa nga ang lalaki habang hawak hawak ng mga MMDA ang mga kamay nito.

Tirador ng bisikleta

Sa isang Facebook page na may pangalang Love is blind, naipost ang isang video na kung saan pinoposasan ng dalawang MMDA ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw ng bisikelta sa lungsod ng Bacoor Cavite.

Sapak Ang Inabot Ng Isang Lalaki, Matapos Maaktuhang Nagnanakaw Ng Bisikleta 2
Photo Credit: Facebook

Makikita sa video na habang itinitaas ng mga pulis ang damit ng lalaki, ay may gamit ito pang nakaw ng bisikleta ayon sa ibang sibilyan ito ay pang cut ng lock. Habang nakatungo ang lalaki ay maririnig sa video ang mga nakikiusyoso na nagsasabing “tirador” talaga ito.

Sapak ang inabot

Samantala, habang kinukuhanan ng litrato ang suspek ay may isang nakapulang lalaki naman ang biglang nanapak sa suspek na dahilan ng pagkakatumba nito, kaya naman sa video ay may nagsasabi na “huwag na itong banatan”. Mayroon namang galit na galit na isang sibilyan dahil ayon sa kaniya nanakawan narin siya nito.

Sapak Ang Inabot Ng Isang Lalaki, Matapos Maaktuhang Nagnanakaw Ng Bisikleta 3
Photo Credit: Facebook

Nang buksan ang bag nag lalaki ay may mga nakuha pang ibang gamit na hindi naman natukoy kung isa sa mga nanakaw. Ang lalaking nanakawan naman ay hawak hawak ang putol na panglock ng kaniyang bisikleta.

Isang sibilyan ang nagsabi sa may ari na mabuti nalamang at naaktuhan niya na itinatakbo na ng lalaki ang kaniyang bisikleta. Sa video makikita rin na inaawat ng mga opisyal ang mga tao sa paligid at sinasabing huwag ng pakialaman ang lalaki sapagkat sigurado naman na itoy makukulong.

Maangas na rider

Samantala, sa parehong facebook page din ay nakuhanan naman ng isang driver ng kotse ang pag aangas na gingawa ng isang rider ng motor. Makikita sa video na ang rider ay nagpauna sa sasakyan at tila naghahamon. Maririnig sa video na hinahamon ng rider ang Driver na bumaba ito.

Sapak Ang Inabot Ng Isang Lalaki, Matapos Maaktuhang Nagnanakaw Ng Bisikleta 4
Photo Credit: Facebook

Habang binabagtas ang daan ay hindi parin huminto ang rider sa pag aangas nito. Ngunit, mabilis na nakarma ang lalaki sapagkat isang kotse ang bumusina at tila nainis sa ginagawa ng rider sa daan kaya naman hinintuan ito upang komprontahin.

Source:Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: