Press "Enter" to skip to content

“Sapat Ang Supply Ng Mga Bilihin!” – DTI

Matapos maianunsyo na ilalagay ang Metro Manila at karatig nitong mga lugar sa Modified Enhanced Community Quarantince (MECQ) sa Agosto 4, maraming mga Pilipino ang nagpanic buying isang araw (Agosto 3) bago magsimula ang nasabing quarantine.

Ang paalala

Dahil nalagay ang Metro Manila at karatig nitong lugar sa MECQ, maraming mga tao ang nagbilihan ng kanilang kakailanganin sa pang araw-araw. Makikita sa social media ang mga larawan na kung saan maraming tao sa palengke, puno ang mga grocery store, at may matinding traffic dahil sa mga nais lumuwas palabas ng Manila.

"Sapat Ang Supply Ng Mga Bilihin!" - DTI 2
Photo Credit: Sunstar

Pero nagpaalala ang kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) na si Secretary Ramon Lopez na iwasan ang pagpanic buying at ang maramihang pagbili o hoarding. Sinabi ni Secretary Lopez na sapat ang supply ng mga bilihin sa Metro Manila at karatig nitong lugar kahit naitaas ang mga ito sa MECQ.

Ang paliwanag ng kalihim

Mula sa isang text message, pinaabot ni Secretary Lopez ang impormasyon na nagsasabing sapat ang supply ng mga malalaking tindahan at mga manufacturer. Ang mga produkto rito ay may kakayahang umabot ng dalawang buwan. Dagdag pa niya, ang mga pabrika o manufacturer ay meron pang mga raw materials na aabot ng tatlong buwan.

"Sapat Ang Supply Ng Mga Bilihin!" - DTI 3
Photo Credit: Wikipedia

Simula pa noong maitaas ang mga lugar sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), napabalita na marami na ang mga nag panic buying at hoarding, at dahil dito nagtalaga ang DTI ng limitasyon sa kung gaano karami ang maaaring bilhin tulad sa mga alcohol at mga face mask.

Ayon nga sa trade chief, sinabi nito na hindi kailangan magpanic buying dahil sapat naman ang supply, at kahit naitaas na noon sa ECQ ang bansa hindi naman nakaranas ng kawalan ng supply sa mga bilihin. Hindi naman nakikita ng kalihim ang pangangailangan sa pagkakaroon ng anti-hoarding and panic buying memorandum sa mga lugar na naibalik sa MECQ.

Source: Philippine News Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: