Press "Enter" to skip to content

Sarah G, Nag Trending Sa Twitter. Dinamay Nga Ba Ni Angel Locsin?

Usap-usapan ngayon at nag trending ang #ProtectSarahGAtAllCost sa Twitter matapos madawit ang pangalan ng kanilang idolo na si Sarah G sa patutsada ng kapwa kapamilya star na si Angel Locsin sa ginawang noise barrage nito sa labas ng ABS-CBN.

Pag dawit kay Sarah G

Ayon sa mga popsters, bagamat hindi pinangalanan kung sino ang itinutukoy ni Angel sa kaniyang sinabi kagabi, ay mahahalata mo na isa si Sarah G sa pinapatamaan nito. Ito ay matapos na hindi makita ang Royalty Princess na naki-isa sa ginagawa ng karamihang kapamilya stars na pag ra-rally sa labas ng gusali ng ABS-CBN matapos itong ipasara ilang araw ng nakalipas.

Sarah G, Nag Trending Sa Twitter. Dinamay Nga Ba Ni Angel Locsin? 2

Ani ni Angel,

“At mga kapwa kong artista na hindi nagsasalita, tatahimik pa ba kayo? Wala na kayong network!”

Dagdag pa niya,

“Kahit magpa-cute kayo sa Instagram, kahit mag-selfie kayo ng sad face. Hindi ninyo nadadamayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!”

Wika pa nito,

“Huwag kayong matakot! Wala na kayong proprotektahan na career or image! Nandito na tayo sa panahon na kailangan ninyo magsalita!”

Pag tanggol ng Popster

ProtectSarahGAtAllCost yan ang hashtag na ginawa ng mga popsters para ipakita ang kanilang suporta sa Idol na si Sarag G.

Sarah G, Nag Trending Sa Twitter. Dinamay Nga Ba Ni Angel Locsin? 3

Galit na galit na dumipensa ang mga fans sa mga binitawang salita ni Darna at hindi maiwasan na mag bigay sila ng opinion at pagka dismaya sa ugaling ipinapakita ni Angel ngayon.

Ayon sa mga popsters,

“You are wondering why Protect Sarah G AtAllCost is trending? Because of narrow minded people calling for support but also promoting hate. Don’t forget RESPECT, this is our battle.”

“Sarah Geronimo clearly knows her battleground. She simply does not engage on issues which need legal discussions and not social media clamor. We need to commend her for that. It’s not neutrality but a good judgment. I, as a popster myself, need to Protect Sarah G AtAllCost.”

Ngunit ang pinaka highlight sa nasabing suporta ay ng mag bigay ng komento ang isang netizen at sinabing,

“ABS-CBN’s franchise renewal is not Sarah’s responsibility!”

Bagama’t madami ay nag tanggol sa Royalty Princess, meron naman ang nagbigay ng opinion na kaya hindi sumasama si Sarag G sa ginagawa ng kapwa artista nito ay dahil sa isang suporter ng DDS ang kaniyang asawa.

Ani sa post,

Is it bec she is the better judge in The Voice than d sister of Maestro Gerard. Or bec. her husband is a well-known DDS who chose to serve d country?”

May nagsabi pa na,

“A bunch of hypocrites. What do you call a person who shoves what she/he wants to other people with no regards to their freedom to choose? Ahhh. DICTATOR. Isn’t that one of the reasons why you loathe Duterte?”

Sagot ni Sarah G

Dahil sa nangyaring ito, nag bigay ng pahayag si Sarah sa kaniyang Instagram account. Sinimulan niya ito ng isang biblical passage kasunod ng pag sabing,

Sarah G, Nag Trending Sa Twitter. Dinamay Nga Ba Ni Angel Locsin? 4

“Nawa’y maging ISANG PAMILYA po tayo para sa mga lubos na nangangailangan at nahihirapan sa gitna nf pandemya na hinaharap ng ating bansa. ISANG PAMILYA na nagbibigay ng pagkakataon at tutulungan kang tumayo sa iyong pagkakadapa. ISANG PAMILYA na matibay na nagkakaisa para sa kabutihan ng lahat.”

Sarah G, Nag Trending Sa Twitter. Dinamay Nga Ba Ni Angel Locsin? 5

Kilala si Sarah bilang isang private na tao. Sa mahabang panahon hindi ito nasangkot sa anumang iskandalo at kontrobersya, maliban na lang nang magsimulang itong umibig at ngayon ay masayang may bahay ni Matteo Guidicelli.

Sarah G, Nag Trending Sa Twitter. Dinamay Nga Ba Ni Angel Locsin? 6

Source: Bandera

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: