Press "Enter" to skip to content

Sarah Geronimo, May Bweltada Sa Patutsada Ni Angel Locsin

Manila, Philippines – maugong ngayon ang bali-balita na walang ibang pinapatamaan si Angel Locsin sa kaniyang pahayag kundi si Sarah G. Kaya naman para matapos na ang kaguluhan, nagbigay ng mahabang statement ang popster royalty.

Ratsada ni Angel

Dahil sa mga binitawang salita ni Angel sa naganap na noise barrage, iniuugnay ng karamihan na ang pinatatamaan nito ay isa si Sarah Geronimo. Matatandaan na tahimik lamang ang popster royalty kahit na sa kaniyang mga social media accounts.

Sarah Geronimo, May Bweltada Sa Patutsada Ni Angel Locsin 2

Ayon kay Angel,

“Sa mga kapwa kong artistang hindi nagsasalita…Wala na kayong network!!”

“Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram…hindi niyo nadadamayan ang mga katrabaho niyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!”

Pahayag ni Sarah

Samatala, binasag naman ni Sarah G ang kaniyang katahimiman at nag bitiw ng isang mahabang statement sa kaniyang Instagram.

Sarah Geronimo, May Bweltada Sa Patutsada Ni Angel Locsin 3

Ani nito,

“Ang ABS-CBN po ay ang network na ilang beses na sumugal at sumuporta sa akin bilang artista at performer. Niyakap nila ako at inalagaan nang husto na parang kanilang sariling ‘anak’ o homegrown talent.”

Dagdag pa niya,

“Malaki po ang utang na loob ko sa network na ito at habangbuhay ko po ipagpapasalamat ang bawat oportunidad, tiwala na ibinigay nila sa akin.”

Ipinagdiinan din ni Sarah sa kaniyang nilabas na statement na mahal niya ang lahat ng ka-pamilya at mahalaga sa kanya ang mga empleyadong nagdadalamhati ngayon sa pagsasara ng network.

Wika pa ni Sarah,

“Nakikisa po ako sa kanilang apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makapagbigay serbisyo para sa kani-kanilang mga pamilya at para sa bansa.”

Inosenteng inamin naman ni Sarah G. na hindi niya alam ang tunay na nangyayari sa kongreso at kung bakit hindi na muling nabigyan ng prangkisa ang mother station niya.

Ani nito,

“Hindi ko man po naiintindihan lahat pero gusto ko po iparating ang aking pagsaludo sa mga haligi ng ABS-CBN para sa kanilang paglaban ng disente at mapagkumbaba sa harap ng ating mga lawmakers. Bagamat napakasakit po na matanggihan, patuloy pa rin kaming sumasamo, nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon.”

Salaysay pa niya,

“Pagkakataon na makabawi kung meron mang naging pagkukulang, pagkakataon na malawakang makapaglingkod, makapagbigay serbisyo sa mamayang Pilipino.”

Bwelta ni Darna kay Sarah

Pagkatapos nga mag-post ng statement si Sarah ay tumindi lalo ang tensyon at naging malakas ang sabi-sabi ng netizen na si Sarah nga ang bukod tanging pinatatamaan ni Darna.

Sarah Geronimo, May Bweltada Sa Patutsada Ni Angel Locsin 4

Ngunit mariing itinanggi naman ito ni Angel at nagpasalamat ito kay Sarah dahil sa ginawang pag salita nito.

Ani pa ni Darna,

“Nagsalita si Sarah. Iniisip ng tao pinaparinggan ko s’ya, pero hindi eh. I know how ‘pure’ she is. Wala s’yang social media, alam rin natin hindi s’ya vocal sa maraming bagay bilang ang bait. Pero nagsalita siya. At nakakatuwa ‘yun.”

Sarah Geronimo, May Bweltada Sa Patutsada Ni Angel Locsin 5

Dagdag pa ni Angel,

“Thank you Sarah G, mahal kita.”

Kaya tanong tuloy ng marami, kung hindi si Sarah G ang pinapatamaan nito, sino kaya?

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: