Press "Enter" to skip to content

Sari-Sari Store On Wheels Ng Iriga, Kinagiliwan At Hinangaan Ng Netizens

Sa gitna ng banta ng covid-19, isa sa mga ikinababahala ng marami ay ang posibleng kakulangan ng pagkain sa bansa. Dahil sa tigil trabaho para sa marami ay kinabahala din ang tigil produksyon ng mga goods.

Gulay on wheels

Sari-Sari Store On Wheels Ng Iriga, Kinagiliwan At Hinangaan Ng Netizens 2

Isang malaking tulong ang paglulunsad ng vegetable on wheels sa tulong ng Department of Agriculture sa pangunguna ni Ruben Delos Santos at kanyang team. Ang post ng Iriga mayor na si Madeleine Yorobe Alfelor ay kinagiliwan ng mga netizen dahil sa magandang hangarin ng tinawag na “vegetable on wheels” na kalaunan ay naging sari-sari store on wheels na umiikot sa ibat ibang lugar.

Sa paraang ito ay hindi lamang matutulungan ang mga farmer sa ating bansa bagkus ay mababawasan ang initiative ng mga tao na lumabas pa ng bahay para mamili sa palengke. Gayun pa, madali na ang pag-akses ng ating mga kapwa Pinoy sa mas masustansyang pagkain na syang kailangan ng ating katawan upang maiwasan ang sakit na dala ng virus.

Ayon pa kay Mayora Madel,

“actually dalawang sasakyan ang umiikot po sa lahat na 36 barangays ng Iriga City.”

Paalala din nito,

Sari-Sari Store On Wheels Ng Iriga, Kinagiliwan At Hinangaan Ng Netizens 3

“Maintain lang po natin social distancing.. Tulong sa farmers natin dahil vegetable products na po mga yan ng ating farmers at para sa mga tao sa barangay para di na sila umalis sa bahay at barangays nila… Maraming salamat po.”

Salamat

Proud na proud ito sa initiative na ginawa ng departamento ng agriktura sa Iriga city.

Sari-Sari Store On Wheels Ng Iriga, Kinagiliwan At Hinangaan Ng Netizens 4

“Thank you also sa dept of agriculture headed by: Ruben delos Santos and his staff…nakaka proud po kami”

Magandang ideya

Ayon sa mga netizen, isang magandang ideya ang layunin ng vegetable on wheels na syang dapat ay kopyahin ng ibang LGU sa kanilang lugar na nasasakupan. Umulan ng papuri mula sa netizens para kina mayor Madel at DA Ruben Delos Santos. Marami ang nagpasalamat sa magandang pamamahala ng mga ito sa kanilang lugar.

Sari-Sari Store On Wheels Ng Iriga, Kinagiliwan At Hinangaan Ng Netizens 5

Source: Facebook Madelaine Yorobe Alfelor

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: