Press "Enter" to skip to content

Sayang Naman! Pamimigay Ng Relief Goods Sa Isang Barangay, Ipinagbawal Ng DILG?

Isang barangay sa Makati City ang naunsyame ang relief goods ns matatanggap mula sa mga nag dodonate. Ito ay matapos mag utos umano ang DILG na ipagbawal ang pamimigay ng relief goods.

Relief goods

Kahapon, May 1, nagpost ang isang netizen ng video kung saan mayroon sanang ibibibgay na relief goods sa kanilang lugar. Naibaba na ang mga sako sakong relief goods na ito’y matigil dahil sa natanggap ng sulat. Ang sulat ay galing umano sa DILG, kung saan ipinagbabawal ang pamimigay ng relief goods.

Sayang Naman! Pamimigay Ng Relief Goods Sa Isang Barangay, Ipinagbawal Ng DILG? 2

Ayon sa memo na ipinakita sa video, ipinagbawal ang pamamahagi ng relief goods upang maiwasan umano ang pagkakatipon-tipon ng mga tao. Ito ay para hindi na kumalat pa ang nakamamatay na COVID-19 virus.

Dismayado

Dismayado man ay walang nagawa ang mga namamahagi ng relief goods kundi ibalik sa sasakyan ang mga sako at ianunusyong hindi na sila pwedeng tumulong dahil ipinagbawal na ito ng DILG. Gusto man nilang tumulong ngunit kailangan nilang sumunod sa ipinag uutos ng nakatataas.

Sayang Naman! Pamimigay Ng Relief Goods Sa Isang Barangay, Ipinagbawal Ng DILG? 3

Bakas sa mukha ng mga residente ang panghihinayang dahil sa naunsyameng pagtulong. Ayon kay Dnalor Oliman na siyang nag post ng video, nakakapanghinayang ang mga tulong na nais ibigay sa kanila ng mga may mabubuting puso. Nagpapasalamat naman siya sa tulong na ibinibigay ng kanilang kapitan na si Kapitan Jr Zaraspe pati na ang kanilang City Government.

Hindi sapat

Ngunit aniya, aminin man o hindi, ay hindi sasapat sa iba nilang kabaranggay na lubos na nahihirapan ang mga ayudang ito. Gustuhin man nilang magtrabaho upang may pantutos sa kanilang pang araw-araw na gastusin ngunit dahil sa ECQ ay imposible pa ito.

Sayang Naman! Pamimigay Ng Relief Goods Sa Isang Barangay, Ipinagbawal Ng DILG? 4

Ang masaklap pa nito, pinagbawalan pa ng DILG ang mga nais mag abot ng kaunting relief goods. Tanong ngayon ni Oliman, kaya ba hanggang ngayon ay wala pa ang relief goods na manggagaling sa City Government ay dahil hinaharangan din ng DILG?

Source: Dnalor Oliman

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: