Press "Enter" to skip to content

Scammer Alert! Isang Babae Nanghihingi Ng Pera Bilang Donasyon Umano Kay Pangulong Duterte

Bistado ang modus ng isang babae na naghihingi ng pera sa mga residente sa Dasmarinas Cavite. Ayon sa babae, donasyon iyon na hinihingi ng munisipyo at ni Pangulong Duterte.

Modus

Ayon sa may ari ng video na si Allan Ronald Lumagui, nanghihingi ng pera ang nasabing babae sa kanilang mga residente ng Barangay Langkaan 1 sa Dasmarinas, Cavite. Batid niyang scam lamang ang ginagawa nito kung kaya sinita niya ito at kinunan ng video.

Scammer Alert! Isang Babae Nanghihingi Ng Pera Bilang Donasyon Umano Kay Pangulong Duterte 2

Makikita sa video na tila ba kinukumbinsi niya si Lumagui na mabuti ang kanyang intensyon sa panghihingi ng pera. Ayon sa babae, ang donasyon na kanyang hinihingi ay para sa munisipyo ng Dasmarinas at kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Scam lang pala

Kinontra ito ni Lumagui at sinabing hindi totoo na humihingi ng donasyon ang munisipyo lalong lalo na ang Pangulo. Ani Lumagui, kung talagang tunay ang donasyon ay dapat may solicitation letter na dala ito. Pilit niyang hinihingan ng ID ang babae subalit wala itong maipakita.

Katwiran ng babae, hindi naman niya pinilit ang mga residente na magbigay. Kusa umano ang mga itong nag abot bilang donasyon. Nagawa pa ng babae na kumaway sa camera at pinaninindigan ang kanyang pagiging alagad umano ng grupong “Gabriela”.
Babala sa publiko

Scammer Alert! Isang Babae Nanghihingi Ng Pera Bilang Donasyon Umano Kay Pangulong Duterte 3

Dagdag pa ng babae, siya ay nag iinspeksyon sa nasabing lugar para sa mga permit ng mga nag nenegosyo roon. Kung wala umanong permit ay hindi maaaring magtinda roon. Doon tumaas ang boses ni Lumagui. Aniya, kumpleto sila sa permit at legal ang kanilang negosyo kung kaya walang itong karapatan na manghingi sa kanilang mga residente.

Hindi na nakipagtalo pa ang babae ang kinuha na lamang ang kanyang bag saka umalis. Nabigay ng babala sa mga residente si Lumagui dahil sa modus na panghihingi umano ng donasyon ng babaeng iyon. Ginagamit pa umano nito ang pangalan ng munisipyo at ng Pangulo para sa panghihingi nito ng pera.

SCAMMER ALERT!! WATCH…

BABALA| Mag ingat sa scammer na umiikot sa Langkaan 1na ginagamit ang pangalan ng Munisipyo at Ni President Rodrigo Duterte.©️🎥Allan Ronald Lumagui

Posted by JUAN TV on Thursday, June 4, 2020

Source: JUAN TV

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: