Press "Enter" to skip to content

Scripted Naman Pala! Nanay Ni Makaganda, Inilahad Ang Mga Kabastusan Ni Christian Merck Grey!

Ilang araw na ang nakararaan simula nang magpa-Tulfo ang vlogger na si Caffey Namindang o mas kilala sa tawag na Makaganda laban sa kanyang kasintahan na si Christian Merck Grey o Makagwapo. Inilahad ni Caffey na lahat ng content ng kanilang vlogs ay scripted lamang.

Scripted

Sa isang interbyu ni Raffy Tulfo kay Maria Liza Namindang, ang nanay ni Caffey, inilahad nito ang mga kababuyan at pagkokontrol ni Makagwapo sa kanila para sa vlog. Anila ay tumawag umano si Merck sa isa nilang kaibigan ni Caffey at sinabi sa pamilya ng dalaga na prank lamang umano ang pagpapaTulfo ni Makaganda. Hirit pa umano nito, naprank daw ang buong bansa.

Scripted Naman Pala! Nanay Ni Makaganda, Inilahad Ang Mga Kabastusan Ni Christian Merck Grey! 2

Labag sa kalooban

Nilinaw ng nanay ni Caffey na hindi prank ang ginawang pagpapaTulfo ng kanyang anak laban aa bastos na vlogger. Inilahad nito na maraming bagay ang pinapagawa sa kanila ni Merck na labag sa kanilang kalooban para lamang magkaroon ng content sa vlog. Dagdag pa riyan, labag man sa kalooban ay napapayag sya sa utos ni Merck na gawin syang kontrabida sa vlog ng magkasintahan dahil ayon kay Merck ay bumababa ang views nila. Si Merck umano ang nakaisip ng scripted na hiwalayan ng dalawa para magtrending sila sa social media.

Scripted Naman Pala! Nanay Ni Makaganda, Inilahad Ang Mga Kabastusan Ni Christian Merck Grey! 3

Upang hindi mabash ang magkasintahan, sinuong ng nanay ni Caffey na maging kontrabida para sa scripted na hiwalayan ng dalawa. Kinalaunan, ito ang nakakatanggap ng hate comments mula sa maraming fans ng dalawa. Hindi naman tumututol sa scripted na hiwalayan si Maria Liza dahil aniya ay para hindi mabash ang anak at si Merck. Umasa din ito sa sinasabi ni Merck na para ito sa future nila ng kanilang anak.

Kontrolado

Ibinahagi din ng nanay ni Caffey na buong pamilya nila ay kontrolado ni Merck. Maging ang nakatatandang kapatid ni Caffey na 27-anyos ay napasali pa sa kabastusan ng binata. Sa isang vlog na may titulong “one night stand.” Pati ang kapatid na lalaki at tatay ni Caffey ay kontrolado din ni Merck.

Ugat ng problema

Inilahad ni Maria Liza ang tunay na dahilan umano kung bakit ngayon ay hindi nagpaparamdam si Merck sa pamilya ni Caffey. Anila ay hindi nila napagbigyan ang binata sa isa na naman na bastos na content nito na kung saan ay nais nito makipagblind date sa ibang babae.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: