Press "Enter" to skip to content

SeaManloloko To SeamanNoMore! Kulong Ang Inabot Ng Isang Seaman Matapos Lokohin Ang Fiancé Na OFW

Isang sumbong ang nakarating sa tanggapan ng Raffy Tulfo In action galing sa isang babae na niloko ng kaniyang fiancé na Seaman. Niloko umano siya nito habang ipinag-bubuntis pa lamang niya ang kanilang anak, at nang dahil sakaniyang stress at depression, naging mahina ang puso ng sanggol na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Kulong

Kumplikasyon sa puso ang ikinamatay ng anak nina Julie Ann Arevalo, isang OFW sa Barcelona, at Joemar Tenorio na isang Seaman. Napag-alalaman na ang dahilan nito ay ang stress at depression na dinanas ni Julie Ann dahil sa panloloko sakaniya ni Joemar habang siya ay nagbubuntis pa lamang.

Sinabi ni Attorney Garreth Tungol kay idol Raffy Tulfo na maaring kasuhan ng Parricide si Joemar nang dahil sa ginawa nito. Nang tanungin naman ni idol si Julie Ann kung gusto niyang kasuhan si Joemar, mabilis na “Yes po” ang sinagot nito at desidido siya na mag-sampa ng kaso.

Labis na nasaktan

Sinabi ni Julie na bigla na lang raw naging malamig ang pakiki-tungo sakaniya ng fiancé na si Joemar. Dalawang buwan pa lamang siyang buntis noon ng maramdaman niya na niloloko siya nito at sa tuwing tatanungin niya raw si Joemar kung mahal pa siya nito, ang laging sagot niya ay “wag mo na kong tanungin sa bagay na yan, baka masaktan ka lang”. Hindi rin daw naging maayos ang kalusugan ni Julie noong siya ay nagbubuntis pa lamang dahil palagi siyang walang sapat na tulog at kain. Hindi rin umano nagbibigay ng suporta sakanila si Joemar at hindi nag-aabalang kamustahin ang pagbubuntis niya.

SeaManloloko To SeamanNoMore! Kulong Ang Inabot Ng Isang Seaman Matapos Lokohin Ang Fiancé Na OFW 4

Mas lalo namang tumindi ang sakit na nararamdaman ni Julie ng malaman niyang may bagong girlfriend na si Joemar ilang buwan pa lamang matapos mamatay ang kanilang anak at ipina-ngangalandakan pa nila ito sakanilang mga social media account. Hindi na umano kinakaya ni Julie ang sakit ng kaniyang pagluluksa habang si Joemar ay nagsasaya sa piling ng iba.

Biglang nawala

Hindi naman itinanggi ni Joemar ang pagkakamali niya at sinabi niyang bigla na lang nawala ang nararamdaman niya para kay Julie Ann. Pilit naman itong nakiusap na huwag na ituloy ang kaso at pinakausap pa kay Julie Ann ang kaniyan ina, ngunit buo na ang loob ni Julie na magsampa ng kaso.

Panuorin rito ang buong video:

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: