Press "Enter" to skip to content

Sec.Harry Roque Ibinunyag Kung Gaano Na Nga Ba Katagal Ang Korapsyon Sa Philhealth

MANILA, Philippines -Inilantad ni Secretary Harry Roque kung gaano na nga ba katagal ang mga ginagawang anomalya ng mga opisyales ng ahensya ng Philhealth.

Ubos ang pondo

Sa pahayag ng Philhealth na paubos na kanilang actuarial funds at tatagal na lang ito hanggang sa susunod  na dalawang taon.Lubos ang pagkagulat ng marami na wala ng pondo para sagutin pa ang mga pangangailangan ng mga Covid-19 patient. Ito ay matapos ang pagbubulgar ng senado sa iregularidad sa mga transaksyon ng mga kawani ng Philhealth, kasabay naman ng pagtanggi ng mga opisyales nito.

Sec.Harry Roque Ibinunyag Kung Gaano Na Nga Ba Katagal Ang Korapsyon Sa Philhealth 2
Photo Credit: Philippine Health Insurance Corporation

Ginisa ang pamunuan ng Philhealth  sa nakaraang pagdinig sa senado, dahil sa mga overpricing na transaksyon ng ahensya. Kani-kaniyang paliwanag sina Philhealth President Executive Officer Ricardo Morales sa mga kwestyonableng transaksyon ng Philhealth.

Pahayag ni secretary

Ibinunyag naman ni Secretary Harry Roque mula sa panayam ni Sir Erwin Tulfo sa programa nitong Tutok Tulfo na mula pa noong 2016 ay may nangyayari ng anomalya ang mga tiwaling opisyales ng ahensya. Kaya naman tatlong magkakahiwalay na imbestigasyon ang nagaganap ngayon ayon kay Sec.Roque .

Sec.Harry Roque Ibinunyag Kung Gaano Na Nga Ba Katagal Ang Korapsyon Sa Philhealth 3
Photo Credit: ScreenShot From Tutok Tulfo Video

Ayon sa kanya,

Importante po kaseng  linisin ang Philhealth ,dahil hindi po magtatagumpay ang ating isinulong na batas na Universal Health Care, hindi po matatanggal ang korapsyon dyan. At sa panahon ng pandemya,we owe it to the people na imbes na mapupunta sa mga buwayang kurakot ang pondo para sa kanilang libreng pagamot at gamot, mapunta po yan sa taong bayan.

Sinabi rin ng Presidente na kapag nagkaroon ng ebidensya ay aaksyunan ang nasabing katiwalan sa ahensya ng philhealth.

Dagdag pa ni Roque,

2016 pa po nung aking unang taon ng aking termino bilang isang kongresista, kasabay ng pagsulong naten ng Universal Health Care, nag-imbestiga na po kami dyan sa Philhealth. Alam na po naten na ang puno’t dulo ng korapsyon dyan, unang una dyan sa Legal Department,dahil sila po ang investigator, piscal at jugde. Laban sa tiwaling mga ospital.

Nawalang Pondo

Laganap pa rin anito ang korapsyon sa philhealth at isiniwalat na sa senado ang mga nakulimbat ng mga tiwaling opisyales na umabot ng 15 billion ang nawawalang pondo. At ay isang laptop ay nagkakahalaga ng over hundred million ang isa. Paano pa matutugunan ng ahensya ang pangangailangan ng bansa.

Sec.Harry Roque Ibinunyag Kung Gaano Na Nga Ba Katagal Ang Korapsyon Sa Philhealth 4
Photo Credit: Screenshot from Tutok Tulfo Video

Kaya sa  pag labas ng resulta at ebidensya sa tatlong imbestigasyon ng katiwalian ay maglalabas umano ang pangulo ng desisyon sa pagpapalit ng mga kawani ng ahensya.Sa kanilang orihinal na bersyon ay binubuwag ang kasalukuyang Philhealth para makapagbuo ng bago ng sa ganon ay matanggal ang kaonting nabulok at magkaroon ng fresh start ang Philhealth. Ayon kay Sec Roque.

Narito ang kabuuang panayam:

SENADO NAGULAT NANG MALAMAN NA SOBRANG LAKI AT SOBRANG LAWAK NA NG CORRUPTION SA PHILHEALTH

SENADO NAGULAT NANG MALAMAN NA SOBRANG LAKI AT SOBRANG LAWAK NA NG CORRUPTION SA PHILHEALTH PERO HINDI NILA INAKALA NA ISANG LAPTOP AY AABOT SA P100M PERO SEC. ROQUE DI NA NAGULAT SA NAIBULGAR NA KATIWALIAN SA PHILHEALTH NG SENADODI NANINIWALA SI SEN. TOLENTINO NA WALANG ALAM SI PHILHEALTH PRESIDENT RET. GEN. MORALES SA MGA NAKAWAN NG PONDO SA KANYANG AHENSYA.

Posted by Erwin Tulfo on Tuesday, August 4, 2020

Source: Tutol Tulfo

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: