Press "Enter" to skip to content

Security Guard Na Nang Hostage Sa East Avenue, Positibo Sa COVID-19!

Matapos ang pang hohostage sa isang doktor ng isang security guard, ay napag-alaman na ito pala ay positibo sa sakit na COVID-19. Ito ay ayon sa ulat ng pulis na siyang rumesponde sa naganap na insidente.

Nang hostage

Si Hilarion Achondo na isang security guard na kamakailan ay nang hostage ng doktor sa hospital ng East Ave sa hindi malamang dahilan. Ang doktor ay ligtas naman na pinakawalan ng nasabing suspek sa maayos na pakikipag-usap ng rumespondeng pulis. Ang pang hohostage ay naganap noong Martes ika-30 ng Hunyo, agad naman dinampot at kinasuhan ng crime of grave threats, grave coercion and alarm and scandal ang suspek.

Nagpositibo

Ayon kay Quezon City Police District chief Police Brigadier General Ronnie Montejo si Hilarion ay nakaranas diumano ng pananakit ng dibdib na isa sa mga sintomas ng sakit na COVID-19.

Nag positibo- COVID-19
Photo Credit: Youtube

Dinala ng pulis ang suspek sa hospital ng Quirino Memorial Medical Center at nang ito ay i-test dito na napag-alaman na positibo ito sa coronavirus. Dahil dito ay sinabi ni Montejo na sa darating na mga araw ay isasailalim sa swab testing ang ilan pang mga pulis na kasamang rumesponde sa naganap na hostage taking.

Medical personnel ng hospital

Samantala, kahit napag-alaman na ang suspek na nang hostage sa nasabing hospital ay nag positibo sa virus ay sinabi pa din ng head doktor na si Willie Saludares  na hindi umano kailangan na sumailalim ang mga medical personnel ng hospital sa self-quarantine. Ito ay dahil proktektado naman umano ang mga ito ng Personal Protective Equipment o PPE at ang pinagdalhan sa suspek ay mismong pasilidad ng hospital para sa mga COVID-19 infected.

“‘Yun naman pong pinagdalhan sa pasyente ay ‘yun naman po ‘yung aming COVID emergency room so lahat po ng suspect doon po dinadala kaya ang mga tauhan po namin doon ay naka-complete na PPE,” Ani Salurdes.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: