Press "Enter" to skip to content

Sekyu Na Titestigo Sana Dahil Sa Takot Kay Capt. Saquilayan, Kukuning Bodyguard ni Idol Raffy Para Di Na Magalaw Ni Saquilayan

Imbes na magalit ay tinulungan pa ni Raffy Tulfo ang security guard na titestigo sana sa korte pabor kay Captain Saquilayan at laban sa lady grab driver na si Mary Florence. Ito ay matapos matanto ni idol Raffy na natatakot lamang ang sekyu kay Saquilayan kaya ito tetestigo.

Pagsisinungaling ng sekyu, nabuking

Ayon sa sekyu na si Japeth Gano, sa simula pa lamang ay masama na ang pagsalubong ni Florence kay Saquilayan. Tinanong ni idol Raffy kung nakita at narinig mismo ni Gano ang pangyayari. Diskumpyado kasi si idol Raffy sa sinabi ng sekyu dahil wala ito sa mismong video ng pangyayari.

Sekyu Na Titestigo Sana Dahil Sa Takot Kay Capt. Saquilayan, Kukuning Bodyguard ni Idol Raffy Para Di Na Magalaw Ni Saquilayan 2

Ayon kay Gano, nasa malayo siya at di niya talaga narinig pero nakita naman niya ang pangyayari. Doon na nakumpirma ni Raffy na nagsisinungaling lamang si Gano. Ayon kay idol Raffy, hindi maaaring sabihin sa korte ang pahayag ni Gano kung hindi naman talaga niya nakita at narinig ang pangyayari.

Takot kay Saquilayan

Hinala ni idol Raffy ay naiipit lamang at napilitang tumestigo si Gano laban sa lady grab driver dahil sa takot kay Capt. Saquilayan. Pinaliwanag din na maaaring si Gano pa ang makasuhan kung sakaling magbibigay ito ng maling testimonya sa harap ng hukuman.

Sekyu Na Titestigo Sana Dahil Sa Takot Kay Capt. Saquilayan, Kukuning Bodyguard ni Idol Raffy Para Di Na Magalaw Ni Saquilayan 3

Ayon kay Atty.Garreth, ang tulad ni Gano ang masarap imbestigahan sa korte dahil halatang nagsisinungaling ito. Hindi papatulan ng korte ang kanyang mga sasabihin at maaaring mabaliktad pa siya at makulong.

Pagtulong ni idol

Kaya naman pinayuhan ni idol Raffy na mag isip muna ng mabuti si Gano. Kung natatakot siya kay Capt. Saquilayan ay handa siya nitong tulungan. Maari niyang kunin na bodyguard ang nasabing sekyu upang hindi na siya matakot na baka balikan ni Saquilayan at hindi na rin mangamba na baka matanggal siya sa trabaho.

Sekyu Na Titestigo Sana Dahil Sa Takot Kay Capt. Saquilayan, Kukuning Bodyguard ni Idol Raffy Para Di Na Magalaw Ni Saquilayan 4

Handa umano si idol Raffy na tulungan si Gano sa abot ng kanyang makakaya para lamang hindi maipit sa gulo sa pagitang ng lady driver at ni Capt. Saquilayan.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: