Press "Enter" to skip to content

Sen. Binay Ukol Sa Krisis: “Di pa po tapos ang laban, pero bumitaw na ang gobyerno”

Naglabas ng hinaing si Senator Nancy Binay ukol sa kakulangan diumano ng suporta ng gobyerno sa mga displaced workers sa gitna ng pandemiya. Ito ay matapos hindi sertipikahan ng pangulo ang Bayanihan 2 o Bayanihan Heal As One Act bilang urgent sa ngayon.

Unemployment

Ayon sa pagsasaliksik, tumaas ng 17.7 porsyento ang bilang ng mga unemployed sa bansa magmula nang pumutok ang pandemiya noong Marso. Nasa 7.3 milyong mga Pinoy ang nawalan ng trabaho at kabuhayan. Ang mga ito din ang patuloy na naghihintay ng pinansyal na tulong mula sa pamahalaan na syang sana ay inaasahan sa Senate Bill 1564 o Bayanihan 2.

Sen. Binay Ukol Sa Krisis: "Di pa po tapos ang laban, pero bumitaw na ang gobyerno" 2

Iniwan sa ere

Para kay Senator Nancy, tila naiwan sa ere ang mga maralitang mamamayang Pilipino na syang mas higit na nangangailangan ng suporta mula sa gobyerno. Aniya, hindi pa tapos ang laban ngunit tila sumuko na ang gobyerno.

“Sa panahong ito na lahat ay kapos at walang makapitan, at di natin dapat hinahayaan na magkaroon ng gap sa pagbigay ng suporta lalo na sa mga pamilyang nawalan ng hanap-buhay. Di pa po tapos ang laban, pero bumitaw na ang gobyerno. Nasa ibang orbit ba ang mga Pilipino para iwanan sa ere?”

Senate Bill 1564

Sa Bayanihan 2 ay makakapaglaan sana ng P140 billion fund upang ipagpatuloy ang pagpopondo sa covid-19 response, recovery plans, at ayuda para sana sa mga mawawalan ng trabaho, magsasaka, maliliit na entrepreneurs, guro, at iba pang nakapailalim sa critical sector na lubos na apektado ng lockdown.

Pagsesertipika

Hinihintay ng senado na sertipikahan ng pangulo bilang urgent ang Bayanihan 2 ngunit sertipikasyon ang dumating hanggang sa mag-adjourn ang sesyon noong June 4. Kailangan sertipikahan ng Malakanyang ang Bayanihan 2 upang maipasa ito ng senado sa 2nd at 3rd reading. Noong June 5 ay nag-expire ang Bayanihan Heal As One Act.

Ibig sabihin nito, tapos na din ang pagsusumite ng pangulo ng weekly report sa Kongreso sa kung paano nagamit ang pondo bilang covid response.

Source: Inquirer.Net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: