Press "Enter" to skip to content

Sen. Bong Go, May Sagot Sa Mga Nagpapakalat Ng Fake News Tungkol Sakanya

Nilinaw ni Sen. Christopher “Bong” Go na walang katotohanan ang mga balitang kumakalat sa social media tungkol sa pag-kontrol niya umano sa mga donasyon ng gobyerno.

Fake news

May mga kumakalat ngayon na mga balita na pina-raid umano ang Medical City ng isang senador at kinuha ang mga PPE’s (Personal Protective Equimpments) na donasyon sakanila. Ayon sa balita, ang mga nakuha ng mga pulis ay nirerepack umano at nilalagyan ng pangalan na “Bong Go” at saka ideno-donate muli sa mga hospital.

At this time of health crisis ang dami parin nagkakalat ng fake news.

Posted by 911 Philippines Supporters on Wednesday, April 1, 2020

Matapos ang mabilis na pagkalat ng balitang ito sa social media, nagbigay ng pahayag ang Medical City. Wala umanong katotohanan ang mga ito.

Sen. Bong Go, May Sagot Sa Mga Nagpapakalat Ng Fake News Tungkol Sakanya 2
Credits to The Philippine Star

Pakiusap din naman nila na huwag ng mag-pakalat ng mga impormasyong walang basehan.

Black Propaganda

Iginiit naman na Go na walang katotohanan ang mga kumakalat na balita at isa lamang itong Black Propaganda. Wala din umano siyang plano na tumakbo sa 2022 kung kaya’t huwag na daw sana siya idamay sa pamumulitika at hindi na umano siya interesado.

Sen. Bong Go, May Sagot Sa Mga Nagpapakalat Ng Fake News Tungkol Sakanya 3
Credits to Christoper Bong Go

“Let me state this in very clear and unmistakable language: Claims circulating that I am involved in handling donations intended for the government are UTTERLY FALSE, DELIBERATE DISINFORMATION, AND BLACK PROPAGANDA,”

“Senador na ako – at limang taon pa akong magsisilbing senador. Wala akong ambisyong tumakbo kaya huwag nyo na akong isali pa sa usaping politika sa 2022 dahil hindi ako interesado.”

Dagdag pa ni Go, wag na umano pairalin pa ang politika sa panahon ngayon. Lahat umano ang naghihirap at gustong malampasan ang krisis na ito.

Maraming gustong tumulong

Ayon naman kay Go, maraming private donors ang lumalapit sakanila upang tumulong sa mga frontliners. Ang kanyang opisina umano ang nagsisilbing tulay upang marami pang matulungan na nangangailangan.

“Marami pong lumalapit sa amin na private donors na nagpapatulong kung paano sila makakapag-donate ng food packs, PPEs, medical equipment at iba pang donations sa ating frontliners, mga ospital o mga komunidad na nangangailangan,”

Sa kabilang banda, mayroon din namang mga frontliners at ospital ang lumalapit din sakanilang opisina upang humingi ng tulong.

Unahin ang serbisyo

Pakiusap naman ni Go, wag na muna initindihin ang politika. Ang nais naman raw ng lahat ay ang matapos na ang krisis na ito. Sa halip, unahin na lang raw ang serbisyo sa mga Pilipino.

Source: inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: