Browse By

Sen. Kiko Pangilinan, Naghain Na Ng COC Para Sa Pagka-Vice President Sa Eleksyon 2022

Sen. Francis “Kiko” Pangilinana ay naghain na ng certificate of candidacy para sa pagtakbo bilang Vice President at running-mate ni VP Leni Robredo sa eleksyon 2022. Sabi ni Pangilinan wala daw siyang balak na tumakbo bilang vice-president, sya raw ay maghahanda sana para sa re-eleksyon bilang Senador. Ngunit hinimok sya ni Robredo na kumandidato sa mas mataas na posisyon.

“Aaminin ko din, na isa ako sa napakarami nating mga kababayan na hiniling kay Ma’am Leni at ipinagdasal na tumakbo siya bilang Pangulo.”

Sen. Kiko Pangilinan

Photo Credit: Kiko Pangilinan Facebook

Paghahanda

Pinag-sipan din ni Pangilinan ang pagsabak nya bilang running-mate ni Robredo. Anya, isinantabi ni Robredo ang kanyang sariling kagustuhan upang matugunan ang kahilingan ng taong bayan na tumakbo ito sa pagka Presidente. At dahil dito, isinantabi rin daw nya ang kanyang kagustuhan sa re-eleksyon sa pagka Senador.

“Pero sa totoo lang, tinawag tayo ng tungkulin. Call of Duty, hindi lang kay Ma’am Leni, Hindi lang sa Partido, koalisyon o sa hany ng mga supporters, pero sagradong tungkulin sa buong bansa.”

Sen. Kiko Pangilinan

Si Pangilinan, 58, ay ang Presidente ng Liberal Party sa kasalukuyan. Ang dati nitong pinuno o Chairman ay and dating Pre. Benigno “Noynoy” Aquino III matapos pumanaw sa sakit na kidney failure noong Hunyo ay naatas na Chairwoman si Robredo.

Photo Credit: Pangilinan Kiko Facebook

Rekomendasyon

Si Pangilinan ay sinamahan ni Robredo sa kaniyang paghain ng COC sa Sofitel Philippine Plaza in Pasay City, bilang pag suporta sa knaiyang running mate. Dahil dito marami ang nagsasabi na malaki daw ang kompyansa ni Robredo kay Pangilinan sa pagpili dito. Wala daw pagdadalawang-isip na ang Office of the Vice President ay iiwan nito kay Sen. Pangilinan.

“Siya yung mangangalaga hindi lang ng legacy na iniwan ko pero dadalhin niya pa a notch higher kung nasaan yung Office of the President ngayon.”

Vice President Leni Robredo

Sa dinaos na Press briefing sa OVP (office of the Vice President) si Sen. Kiko Pangilinan ay tatakbo sa ilalim ng Liberal Party at Independent naman si Robredo. Isa daw na symbolic way ng pagpapakita na bukas ang kanilang partido sa pakikipag-alyansa sa maraming partido.

Photo Credit: Kiko Pangilinan Facebook

Reaksyon

Samantala inulan naman ng negatibo at positibong reaksyon ang Sana all speech ni Pangilinan sa nasabing Press briefing matapos maghain ito ng COC

“Ang pangarap ko sa bayan, sana all may sapat na kita. Sana all may pagkain sa mesa. Sana all may bakuna. Sana all ligtas, ligtas sa sakit. Sana all may sariling tahanan.”

Sen Kiko Pangilinan

Marami ang nagpahayag ng kanilang mga komento at memes. Sabi ng taumbayan na nagdrama at halatang scripted ang speech. Habang ang iba ay bias lamang. Ano man ang dahilan o propaganda ng mga sasabak sa Eleksyon 2022 Sana all ang unahin ang nakakabuti sa taumbayan, ang kaunlaran ng ekonomiya at ang kinabukasan ng atin bansa.

Source: ABS CBN News

2 thoughts on “Sen. Kiko Pangilinan, Naghain Na Ng COC Para Sa Pagka-Vice President Sa Eleksyon 2022”

Leave a Reply

Your email address will not be published.