Press "Enter" to skip to content

Sen. Pacquiao At Jack Ma, Sanib-Pwersa Sa Pagdonate Para Makabili Ng Covid-19 Test Kits

Last updated on March 19, 2020

Ipinaalam ni People’s Champ and fighting Senator Manny Pacquaio na ang mayamang negosyante na si Jack Ma, ay nangako na magbibigay ng 50,000 corona virus disease 19 (COVID-19) testing kits para sa mga Pilipino.

Ang anunsiyo

Ang magandang balita ay inanunsiyo ng senador sa kanyang Instagram post noong Marso 16. Winika niya,

Sen. Pacquiao At Jack Ma, Sanib-Pwersa Sa Pagdonate Para Makabili Ng Covid-19 Test Kits 2

“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with @PacquiaoFoundation is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines.” Senator Manny Pacquiao

(Masaya kami na ianunsiyo na ang Jack Ma foundation, sa pakikipagtulungan ng Pacquiao Foundation, ay nangangako na magbibigay ng 50,000 test kits para labanan ang COVID-19 sa Pilipinas)

Sen. Pacquiao At Jack Ma, Sanib-Pwersa Sa Pagdonate Para Makabili Ng Covid-19 Test Kits 3

Binigyang diin din ng senador ang importansya na magbuklod at magkaisa ang sambayanang Pilipino lalong higit sa ganitong panahon na tayo ay nasa krisis. Nagpasalamat si Pacquiao sa co-Founder ng Alibaba sa kaniyang kabutihang loob at bukas-palad na pagtulong.

View this post on Instagram

My good friend Jack Ma.

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao) on

Epekto sa kasalukuyan

Matatandaang isinailalim ang buong bansa sa State of Public Health Emergency at inilagay ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang buong Luzon sa enhanced community quarantine sa loob ng 30 araw, simula noong Marso 16.

Sa huling pulong sa Senado, napag alaman na meron lamang tayong 2,000 testing kits sa bansa. Dahil sa pag taas ng bilang ng persons under investigation (PUI), ang pagkakaroon ng maraming test kits ay makakatulong sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) para sa agarang pagkumpirma ng totoong bilang ng positibo na may sakit na COVID-19.

Ang kasalukuyan

Sa huling tala ng DOH noong Marso 17, mayroon nang kabuuang bilang na 187 kumpirmadong kaso ng tinamaan ng COVID-19. Sa bilang na ito, 14 na ang naitalang namatay at 4 naman ang gumaling.

Samantala, ang pagkakaroon natin ng nasabing bilang ng dagdag na testing kits ay makakatulong sa maraming Pilipino, habang kasalukuyan pang hinihintay ang resulta ng pagiging epektibo ng ginawang testing kits ng mga siyentipiko Pilipino mula sa Philippine Genome Center at Unibersidad ng Pilipinas – Maynila.

Source: Instagram

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: