Press "Enter" to skip to content

Sen. Pangilinan, Hinimok Ang DOLE Na I-Extend Ang Ayuda Ng Local Workers at OFWs

Mariin na inirekomenda ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan sa DOLE nitong Monday ang pag extend ng kanilang cash aid program.

Ito’y kailangan umano ng mga displaced local workers at OFWs lalo na’t nagpapatuloy pa rin ang COVID-19 crisis.

Ang detalye

Ayon kay Pangilinan, nakakabahala na raw ang bilang ng mga Filipino workers na displaced pa din hanggang ngayon. Sa kasulukuyan, ang bilang ay nasa humigit kumulang 2 milyon na local workers at 230,000 OFWs.

Sen. Pangilinan, Hinimok Ang DOLE Na I-Extend Ang Ayuda Ng Local Workers at OFWs 2
Photo credit: Manila Bulletin

“Napakahalaga lalong-lalo na sa panahong ito na ipaalam natin sa mga Pilipino na ang kanilang mga buwis at ang kanilang pamahalaan ay nagtatrabaho para sa kanila,” aniya.

Dagdag pa niya, mayroon pa namang mga savings at unused funds galing sa 2019 budget ang gobyerno na pwede gamitin.

“We, in Congress, are prepared to pass a measure that would augment existing funds so that Filipinos in need are covered,” sabi ni Pangilinan.

Ang ayuda

Maalalang marami ang natuwa sa pag anunsyo ng DOLE  sa kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) na naglaan ng P5,000 na ayuda sa lahat ng displaced formal workers.

Sen. Pangilinan, Hinimok Ang DOLE Na I-Extend Ang Ayuda Ng Local Workers at OFWs 3
Photo credit: Al Jazeera

Ito’y nasundan ng pagrelease ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) emergency fund na nagbibigay ng P10,000 cash aid sa mga OFW.

Sa kasamaang-palad, kinailangan isuspende ang CAMP nitong April 15 dahil hindi na daw ito kaya ng kanilang budget.

Ang AKAP naman ay nagpapatuloy pa sa kasalukuyan ngunit ito’y hindi na magtatagal pa dahil hanggang 150,000 na beneficiaries lang din ang kaya ng kanilang budget.

Mensahe ng DOLE

“We sincerely apologize to all our clients… who will not have the chance to avail of the CAMP financial assistance,” ani DOLE-National Capital Region Director Sarah Buena Mirasol.

Sen. Pangilinan, Hinimok Ang DOLE Na I-Extend Ang Ayuda Ng Local Workers at OFWs 4
Photo credit: Metro News Central

“Regretfully, we cannot also guarantee payment for those clients who have submitted before the suspension notice of our central office since we will only work around the remaining funds,” dagdag pa niya.

Wala pang sagot ang DOLE ukol sa panawagan ni Pangilinan. Nawa’y ito ay magawan ng paraan upang marami pa ang matulungan na nahihirapang Pilipino ngayon, saan mang sulok ng mundo.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: