Press "Enter" to skip to content

Senado, Naghahanda At Naglaan Na Ng Budget Para Pambili Ng COVID-19 Vaccine

Manila, Philippines – Naghahanda na ang senado na maglaan ng budget para sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID19, iyan ang ikinumpirma ng Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa kaniyang virtual na panayam sa PTV.

Paghahanda

Ayon kay Zubiri, karagdagang 3-5 Bilyong piso ang target nilang maidagdag sa Bayanihan 2 para sa CoVid19 vaccine.

Paliwanag pa ng senador, umaasa silang pagdating ng -ber months ay marami nang maaaprubahang bakuna at nais nilang maghanda na ng pondo para dito upang hindi mahuli ang bansa sa pagbili ng bakuna sakaling maging available na ito sa merkado.

Senado, Naghahanda At Naglaan Na Ng Budget Para Pambili Ng COVID-19 Vaccine 2

Ani Zubiri,

“We’re looking during the “BER” months starting September, October, November, marami na pong mga vaccines that would be able to go out of the market.”

Pag bili ng bakuna

Ayon pa kay Zubiri, nais ng Senado na wag mahuli sa pag bili ng matinong bakuna. Dahil sa madami ng naka-imbento at lumabas na mga bakuna, positibo ang Senado na mag-lalaban sila ng budget upang makabili nito.

Senado, Naghahanda At Naglaan Na Ng Budget Para Pambili Ng COVID-19 Vaccine 3

Ani ni Zubiri,

“Ang ayaw lang po natin mangyari mahuli tayo sa pagbili ng vaccines dahil sa dami po buong mundo ang mamimili nito.”

Dagdag pa niya,

“Baka mahuli tayo and ang akin lang diyan we have to make sure that our Food and Drug Administration (FDA) officials will make certain that the vaccines na bibilhin po natin at pamimigay sa ating mga kababayan ay mga matitinong bakuna.”

Senado, Naghahanda At Naglaan Na Ng Budget Para Pambili Ng COVID-19 Vaccine 4

Mariing sinabi din ni Zubiri na ayaw niyang maging kagaya ang ngyari sa Dengvaxia.

Ani nito,

“We dont want to have another Dengvaxia scandal on our hands. We want to get that the vaccine we get in terms of efficacy are good, yung talagang high level of antibodies and resistant na ibibigay niya.”

Giit pa ni Zubiri,

“Kasi may mga lumalabas na Chinese Vaccine na 50% lang ang antibodies niya, ang kalahati Matatandaan pa din ng COVID19. The efficacy rate is very low.”

Efficacy ng bakuna

Mariing sinabi ni Zubiri na dapat ang natirang bakuna ay nagtataglay ng 80-90% ang efficacy para sigurado na ito’y epektibo.

Ani niya,

“If we can get a vaccine atleast 80-90% efficacy meaning 80% of the vaccine would be immune to the COVID19 virus and that’s better to use.”

Paalala pa ni Zubiri na habang wala pang available na bakuna ay mag ingat muna ang publiko at sundin ang siyensa lalong lalo na ang mga reports na ibinigay ng WHO.

Sen Migz on COVID Vaccine

Target: "BER" months vaccine-ready Naghahanda na ang senado na maglaan ng budget para sa pagbili ng mga bakuna laban sa COVID19 Ayon kay senate majority leader Juan Miguel Zubiri, karagdagang 3-5 Bilyong piso ang target nilang maidagdag sa Bayanihan 2 para sa CoVid19 vaccine Paliwanag ng senador, umaasa silang pagdating ng -ber months ay marami nang maaaprubahang bakuna at nais nilang maghanda na ng pondo para dito upang hindi mahuli ang bansa sa pagbili ng bakuna sakaling maging available na ito sa merkado"We're looking during the "BER" months starting September, October, November, marami na pong mga vaccines that would be able to go out of the market. Ang ayaw lang po natin mangyari mahuli tayo sa pagbili ng vaccines dahil sa dami po buong mundo ang mamimili nito, baka mahuli tayo and ang akin lang diyan we have to make sure that our Food and Drug Administration (FDA) officials will make certain that the vaccines na bibilhin po natin at pamimigay sa ating mga kababayan ay mga matitinong bakuna di po kagaya ng nangyari sa Dengvaxia we dont want to have another Dengvaxia on our hands"PTV

Posted by Eunice Samonte on Wednesday, August 12, 2020

Source: Eunice Samonte

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: