Press "Enter" to skip to content

Senador Sotto, Inirekomenda Sa Kamara Na I-urong Sa Septyembre Ang Pagbubukas Ng Klase

Noong Martes, ipinanukala ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mas mainam na iurong ang pag bubukas ng klase sa buwan ng Setyembre bilang tugon sa pagpapanitili ng kaligtasan ng mga mag aaral dahil sa banta ng COVID-19.

Ang panukala

Naghain si Sotto nang Senate Bill 1438, na naglalayon na amyendahan ang Republic Act No. 7977. Ang nasabing batas ay nagmamandato na ang pasukan sa Pilipinas ay sa pagitan ng unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa huling araw ng Agosto.

Senador Sotto, Inirekomenda Sa Kamara Na I-urong Sa Septyembre Ang Pagbubukas Ng Klase 2
The Asian Parent

Dagdag nya, “Ito ay mas ligtas na araw. Ang importante sa bill na ito ay nagbibigay tayo ng sapat na kapangyarihan sa Pangulong Duterte na magtakda ng araw ng pasukan lalo na kung tayo ay nasa national emergency.” (“It’s a safer date. The important thing in that bill is it gives power for the President to adjust [the opening of classes] in case of a national emergency.”)

Ang layunin ng bill

Ayon kay Sotto, ang pag uurong ng pasukan sa Setyembre ay makakapagbigay ng sapat na panahon para sa Department of Education na makapaghanda sa bagong normal na sistema ng edukasyon.

Senador Sotto, Inirekomenda Sa Kamara Na I-urong Sa Septyembre Ang Pagbubukas Ng Klase 3
Rappler

Bukod dito, nais ni Sotto na magkaroon nang sapat na paghahanda ang DepEd sakaling magkaroon ng “second wave” ng pagtaas ng bilang ng positibo sa sakit. Ito din ay pagtalima sa suhestiyon ng Inter Agency Task Force (IATF) na mainam na Setyembre na magbukas ng klase.

Ang pagsalungat sa DepEd

Nauna nang nagpahayag si DepEd Secretary Leonor M. Briones na ang pasukan ay sisimulan sa Agosto 24 ng taong ito. Dagdag pa niya, sa buong buwan ng Hunyo, ang mga guro ay kanilang papapasukin para makapaghanda sa posibilidad ng pagbabago ng kurikulum sa taong ito.

Senador Sotto, Inirekomenda Sa Kamara Na I-urong Sa Septyembre Ang Pagbubukas Ng Klase 4
Mightygadget

Bukod dito, sinabi pa ni Briones na nagsagawa sila ng survey upang makapagturo sa iba’t ibang paraan. Kasama na rito ang pag gamit ng teknolohiya maging ng telebisyon at radyo kung kinakailangan. Ito ay upang masiguro na hindi lahat ay kailangang pumasok sa eskwelahan at para masunod pa din ang physical distancing.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: