Press "Enter" to skip to content

Senate Hearing Tungkol Sa PH Internet, Nasuspinde Dahil Internet Issues

Sa sobrang imbyerna ay sinuspinde na lang ni Senator Grace Poe, ang senate hearing para sa kalagayan ng internet connection ng bansa dahil sa problema sa internet signal ngunit bumanat siya sa mga Telco Providers dahli para ba’ng sinasabotahe ang pagdinig.

Hindi Magkarinigan

Sa isang pagdinig na ipinatawag nitong ika-1 ng Hulyo, Miyerkules, na tatatalakay sana sa kasalukuyang status ng internet sa Pilipinas, napilitang si Senator Grace Poe na ipagpaliban ito dahil hindi sila nagkakarinigan ng mga partidong kausap niya online dahil sa mahinang internet signal.

Senate Hearing Tungkol Sa PH Internet, Nasuspinde Dahil Internet Issues 2
Photo Credits: Daily Tribune

Wika niya:

I would like to continue this hearing after we thresh out this problem with our connection. It’s quite ironic, again, that we are having connectivity issues in a hearing on connectivity.

Ang nasabing pagdinig ay ipinatawag sa gitna ng mga plano ng gobyernong ipatupad ang distance learning. Hindi man lingid dito na ang Pilipinas ay isa sa may pinakamabagal na internet connection sa rehiyong ng Asya. Ang hearing ay kinabibilangan ng mga kinatawan ng mga Telco providers mula sa PLDT, Globe Telecom, Converge at Dito.

Isang malaking kabalintunaan

Sapagkat hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng internet connection problem ang isang senate hearing, ani Poe, sinasalamin nito ang pinakamalalang hamon na kailangan nilang himayin:

It’s just telling, the situation in our country today, and how we are trying to cope with this new requirement that we all need to have fulfilled.

Senate Hearing Tungkol Sa PH Internet, Nasuspinde Dahil Internet Issues 3
Photo Credits: The Next Web

Matatandaan na maging si Senator Win Gatchallian ay nakaranas din ng ganito ng makipagpulong siya sa NTC (National Telecommunications Communications).

Kulang sa mbps

Sa umpisa’y nagkaproblema ang hearing na kinailangan pa ni Poe na mag log in gamit ang account ng anak niya sa Webex videoconferencing app dahil hindi maka-connect sa internet ang Senate server.

Kasunod nito’y ang hindi pagkakarinigan ng magkakaibang partido, Sa sobrang irita ng Senadora’y napag-initan niya ang Converge: “Baka kaya mura.“, wika niya. Ang Converge ang may pinakamurang singil na P1,500 kada buwan para sa 25mbps (mega bits per second) na internet plan.

Senate Hearing Tungkol Sa PH Internet, Nasuspinde Dahil Internet Issues 4

Dinaan naman sa biro ni Senator Nancy Binay ang pagtanong kung ang Senate ba may sapat na mbps subscription.

Senate Hearing Tungkol Sa PH Internet, Nasuspinde Dahil Internet Issues 5
Photo Credits: Manila Bulletin

Dagdag niya, hindi ito ang unang beses na naunsyami ang isang hearing na patungkol sa kalagayan ng internet sa bansa ngunit idiniin pa na ito ang pinaka-worst:

I think ‘yung committee hearing mo today ‘yung pinakamasama yung signal.

Wala kayong takas

Binalaan naman ni Poe ang mga Telco representatives:

Kala niyo titigilan ko kayo?

 Iginiit niya na hindi nila matatakasan ang pagdinig. Kung kinakailangan pa nga ay ipapatawag ang mga ito upang magka-face to face hearing na sa senado. Banat pa niya:

I think sinasabotahe ito. Comedy of errors na lahat na ito eh. Lumalabas ‘yung sintomas ng sakit na dapat natin gamutin.

Narito ang kabuuang balita:

‘This is the worst’: Senate hearing on PH internet suspended over connectivity issues

“This is the worst.”A Senate public services committee hearing into the status of internet service in the country on Wednesday took an ironic turn after it suffered connectivity issues.

Posted by INQUIRER.net on Wednesday, July 1, 2020

Source: Inquirer

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: