Press "Enter" to skip to content

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown

Manila, Philippines – Sinabi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kahapon na siya ay pabor na i-extend ang Enhance Community Quarantine para matigil na ang pag laganap ng nakamamatay na Corona Virus Disease (Covid-19) sa bansa.

Panawagan sa publiko

Sinabi ni Go sa kanyang panayam na siya ay nanawagan sa publiko para sa kanilang buong suporta para matapos na ang pagkalat ng sakit at matapos na ang pandemya.

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 2
Source: Philippines Lifestyle

Ayon sa kanya,

“Lalong tatagal, lalong ma-extend muli. Lalong makukulong kayo (sa bahay) kapag tataas ang numero ng positibong kaso. Kaya nakikiusap ako, sumunod po kayo dahil para rin ito sa kapakanan ng lahat ng kapwa nating Pilipino.”

Patuloy naman ang pag sasagawa ng mass testing sa iba’t ibang ciudad kasabay na din ng ginagawang pagti-test sa NCR.

Pag konsulta sa experto

Sinabi ni Go na pinag iisipan ng Pangulo ang lahat na maaring gawin Lahat ay binibigyan ng pagkakataon para maibahagi ang kanilang suhestyon. Walang bahid ng politika at kahit na ang mga dating health secretaries ng dating administrasyon ay kinunsulta din ng Pangulo.

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 3
Source: Manila Times

Dagdag pa ni Go,

“Ito’y para makapag desisyon ang Pangulo ng maayos kung dapat bang i-extend ang enhance community quaratine (ECQ) o dapat na po bang i-lift sa National Capital Region (NCR) or if it needs to be lifted in NCR or outside the NCR region.”

Ayon pa sa kanya,

“Kung dapat na itong luwagan ng kaunti, hindi ibig sabihin total na luluwagan na ito. Kung sakaling modified quarantine lang ito at marami pong guidelines at protocol na dapat sundin ang bawat syudad at sa bawat probinsya.”

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 4
Source: Philippines Lifestyle

Sinabi pa ni Go,

“In other provinces, it could be lifted and converted into modified community quarantine. What’s important is to make sure that the Filipinos will be able to eat regularly because that the reason why they are going outside their homes.”

Pag taas ng bagong kaso

Sinabi pa ni Go na siya ay sang ayon sa i-extend pa ang quarantine measure sa Metro Manila at dagdagan pa ng 15 araw.

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 5
Source: Philstar

Wika pa niya,

“Tumataas ang cases natin dito. Kung napapansin niyo, halos lahat high density. Yung mga over populated at dikit-dikit ang bahay ang karamihang natatamaan ng sakit.”

Nagbigay din siya ng opinyon hinggil sa pag de-deploy ng mga militar para mapatupad ng maayos at mapag igting ang seguridad ng bawat isa.

Pag sang-ayon

Samantala, sinabi naman ni Go na siya ay sumasang-ayon sa ginagawang batas militar sa mga lugar na mayroong mataas na kaso ng pag labag sa Enhance Community Quarantine.

Ayon sa kanya,

“Giyera na po ito. Giyera na hindi natin nakikuta ang ating kalaban. Napaka hirap ng sitwasyong ito. Kaya kailangan natin ng militar.”

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 6
Source: ABS-CBN

Dagdag pa niya,

“Hindi po ito kaya ng medical workers lang. Kailangan po ng pulis at militar para sa disiplina kasi kapag lumalabas tayo, walang katapusang hawaan ito. Idagdag nyo na jan yung mga matitigas ang ulo, kaya kailangan natin ng militar talaga.”

Sinabi pa ni Go na makikipag pulong ang Pesidente sa Inter-Agency Task Force for the Managemnet of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ngayong Huwebes para ag desisyonan kung ipapatuloy pa ang lockdow or kailangan ng ipatupad ang tinatawag na modified ECQ.

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 7
Source: Manila Times

Ayon pa sa Senador, meron pang isang linggo para aralin kung paano maaring maging modified quarantine lang. Iginiit pa niya na ang dagdag na pag strikto sa implementasyon ng quarantine sa Metro Manila ay maaring ikonsidera ng Pangulo bata’y sa kaniyang desisyon kung pahahabain pa niya ito.

Pagbibigay tulong mula gobyerno

Ayon sa Senador, inuuna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag bigay prayoritasyon ng social amelioration program (SAP) sa mga mas nangangailangan na pamilya.

Dagdag pa niya,

“Ganito po kasi yun, Yung lahat ng inuuna ng DSWD yug SAP na natatanggap ng inpormal sektor. Yung ika nga daily wage earner, sila ang inuuna. Kaya lang may ilan pang hindi nabigyan ng tulong. Kaya dito na pumapasok ang Department of Labor ang Employement (DOLE).”

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 8
Source: Manila Times

Kaniya ring tinutukoy ang Covid-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng DOLE na nagbibigay sa mga kwalipikadong benipisyaryo. Ito ay ang tinatawag na “one time financial assistance” na nagkakahalaga ng P5,000.

Panawagan at banta

Gayunpaman, nag bigay ng babala ang Senador sa mga iresponsableng nakakatanggap ng social amelioration program (SAP) na dapat ay gamitin ito para sa pangunahing pangangailangan ng pamilya at hindi sa anumang bisyo.

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 9
Source: One News

Ayon pa kay Go,

“Yung mga nahuhuling nag susugal, nag sasabong, may pera naman pala kayong pang pusta, marami pala kayong pagkain. Yung mga bumibili ng shabu, maawa naman kayo. Marami pang hindi nakakatanggap. Kayo ang nabigyan ng una. Maawa kayo sa inyong mga anak.”

Senator Bong Go, Pabor Sa Extension Ng Lockdown 10
Source: Inquirer

Samantala, sinabi ng Senador na ang gobyerno ay nagpapatupad ng striktong panukala para masigurado na ang bawat miyembro ng pamilya ay nasa bahay.

Sabi pa niya,

“Law enforcers would not hesitate to apprehend those who intentionally disobey the guidelines and put not only themselves but their community harm.”

Source: PIA Gov

One Comment

  1. Anthony motel clores Anthony motel clores April 23, 2020

    Paano nmn po nmn po Yong mga gustong umuwi na mga stranded na mga construction worker sa sakanilang mga pamilya ,bagu po ulit mag declare Ng ecq,Sana payagan nyo nmn maka uwi,,

Leave a Reply

%d bloggers like this: