Press "Enter" to skip to content

Senator Gatchalian, Pinagpapaliwanag Ang Meralco Kung Paano Nakompyut Ang Lumobong Bill Ng Consumers

Tila hindi matapos-tapos ang isyu ng Manila Electric Co (Meralco) sa kinahaharap nitong kontrobersyal na paglobo ng singil sa kuryente. Hanggang ngayon ay wala pa ring mas malinaw na paliwanag kung paano nga ba na-compute ng Meralco ang ating bill nang magsimula ipatupad ang enhanced community quarantine noong Marso.

Magpaliwanag

Hiling ni Senator Sherwin Gatchalian, dapat na magbigay ng malinaw na paliwanag ang Meralco sa mga konsyumer nito ukol sa paglobo ng latest na billing statements ng mga ito.

Senator Gatchalian, Pinagpapaliwanag Ang Meralco Kung Paano Nakompyut Ang Lumobong Bill Ng Consumers 2

Sa isang virtual interview, ibinahagi ni Senator Gatchalian na siya mismo ay naguluhan nang matanggap nito ang kanyang Meralco bills para sa buwan ng Mayo at Hunyo. Hirit pa nito,

“Hindi ‘yun ang pinagusapan natin sa hearing kasi ‘yung pinag-usapan natin ‘yung clear computation, kung paano ninyo na-derive itong June (billing statement) kasi hindi clear sa akin, sinama-sama ‘yung May and June, dapat hiwalay ‘yung May and June,”

Magbayad ng tama

Ayon pa sa senador, nais lamang ng mga tao na magbayad ng tama at kung ano lamang ang naging konsumo ng mga ito. Maging ito mismo ay hindi makapaniwala sa kanyang diumano nakonsumo sa loob lamang ng isang buwan.

Senator Gatchalian, Pinagpapaliwanag Ang Meralco Kung Paano Nakompyut Ang Lumobong Bill Ng Consumers 3

“Ang tao gusto magbayad, gusto lang nila maintindihan kung ano binabayaran nila. Tiningnan ko nga kanina parang imposible naman na ganun kalaki konsumo ko in one month. Maraming doubts, maraming question marks na dapat ma-answer”

Senate hearing

Sinabi pa ni Gatchalian, magrerequest ito sa Meralco na magbigay ng mas malinaw na paliwanag. At kung hindi sasapat na basehan ang tugon ng Meralco, maaaring magrequest ito ng Senate hearing ukol sa isyu.

“Before a hearing we want to set a meeting, gusto muna namin makita ‘yung detalye at gusto muna namin makita ‘yung gagawin nila kung iko-correct ba nila,”

Utos ng ERC

Matatandaang naglabas ng direktiba ang Energy Regulations Commission para sa mga utilities na magsagawa ng aktwal na meter reading. Kalaunan ay dapat na maglabas ng bagong bill na kung saan ay magrereflect ang aktwal na konsumo ng konsyumer at ang karampatang halaga para rito.

Meralco advisory

Paalala naman ng Meralco sa mga konsyumer nito ay hintayin ang bagong ilalabas na bill bago magbayad. Siniguro nito na nasa 65% na ang naisasagawang actual meter reading para sa buwan ng Mayo.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: