Press "Enter" to skip to content

Senator Imee Marcos Nainis Sa Mga Taga DOTr, Face Shield Dapat Libre!

Manila- Inapela ni Senator Imee Marcos sa mga taga DOTr na kung gagawin man nilang mandatory ang pagsusuot ng face shield dapat umano ibigay ito ng libre sa taumbayan.

Dagdag proteksyon

Matapos  ang protocol ng barrier sa mga motorsiklong nais mag-angkas, ito naman ang bagong protocol ng The Department of Transportation(DOTr) sa mga sasakay sa mga pampublikong sasakyan. Mula August 15,2020 nais nang ipatupad ng DOTr ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong sasakyan. Dahil umano sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.

Senator Imee Marcos Nainis Sa Mga Taga DOTr, Face Shield Dapat Libre! 2
Photo Credit: Google

Tila nag init ang ulo ng Chairman of Senate and Economic Affairs Imee Marcos sa dame ng gustong ipasuot ng mga taga DOTr. Inapela nya na kung mandatory requirement ito, sana ibigay nila ito ng libre at kung hindi man eh bantayan ng Department of Trade and Industry ang pagtaas ng presyo nito sa publiko.

Reaksyon ni Senadora

Dagdag pahirap ito sa ating mga kababayan. Imbes na pambili ng noodles, mapupunta sa face shield. Hindi pa ba sapat ang physical distancing at pagsusuot ng face mask? Meron pang barrier. Hindi dapat mandatory, kung sino lang ang may kakayanan na makabili. Sagad na ang mga mahihirap nating mga kababayan, bakit hindi na lang ito ipamigay ng libre?

Senator Imee Marcos Nainis Sa Mga Taga DOTr, Face Shield Dapat Libre! 3
Photo Credit: Sen. Imee Marcos

Alam nating dagdag proteksyon ang face shield  sa ating mga kababayan, pero sana tingnan din natin ang kakayanan at kalagayan nila sa buhay aniya. Wag naman natin imandatory ‘to, alam ko naman maganda naman ang pakay nila na hindi tayo magkasakit pero sa totoo lang,wala naman ni isang bansa na nirerequire to kundi dito lang nagpauso sa Pilipinas.

Bwelta kay Secretary

Pinaalalahan umano nya  si Secretary Arthur Tugade na huwag biglain sa gastusin ang taumbayan , dahil sa sitwasyon ng pandemya at ng mga empleyadong mananakay. Hinamon rin ni Senator Imee Marcos na kung pwede subukan ni Secretary Tugade ang mga dagdag proteksyon na ipinatutpad nila.

Senator Imee Marcos Nainis Sa Mga Taga DOTr, Face Shield Dapat Libre! 4
Photo Credit: Screenshot From Sen. Imee Marcos Video

Aniya,

 Naku naman, talaga naman sobra sobra ng dagdag ang sinabi, ang nalalaman naten yung face mask talagang kailangan yun at mabait naman mga Pilipino, di naman tayo pasaway ang takot lang natin lahat tayo nakaface mask. Kaso  dinagdagan na nila ng sankatutak ng DOTr pambihira. Subukan kaya ni Sec. Tugade na sabay sabay isuot helmet, face mask, face shield , gloves at kung ano ano pa, kakayanin kaya nya?

Narito ang kabuuang panayam:

AT THE MOMENT: Broadcaster Erwin Tulfo interviews Senator Imee Marcos over Radyo Pilipinas' Tutok Tulfo regarding the mandatory use of face shields and the Philippines being the new Covid hotspot in Southeast Asia.

Posted by Senator Imee R. Marcos on Thursday, August 6, 2020

Source : Senator Imee Marcos

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: