Press "Enter" to skip to content

Senator Koko Pimentel Binanatan Ng Makati Med Dahil Sa Kanyang “Irresponsible And Reckless Action”

Naglabas ng pahayag ang Makati Medical Center (MMC) laban sa senador na si Kiko Pimentel III. Ito ay matapos dalhin ng personal ang kanyang asawa sa nasabing ospital sa kabila ng kaalaman na nag positibo ito sa COVID-19.

Irresponsible and reckless action

Kagabi Marso 24, dinala ni Senator Kiko Pimentel III ang kanyang asawang nagdadalang tao sa MMC para sa panganganak nito sa pamamagitan ng ceasarean section. Ayon sa MMC, nilabag ng senador ang home quarantine protocol dahil sa ginawa niya. Dahil dito nalalagay sa panganib ang buhay ng mga doctor, nurse at iba pang medical staff na nakasalamuha ng senador.

Senator Koko Pimentel Binanatan Ng Makati Med Dahil Sa Kanyang "Irresponsible And Reckless Action" 2

Kinondena ng MMC ang aksyon na ito ng senador na sinasabing “irresponsible and reckless action”. Dagdag pa ng pamunuan, higit sa lahat ay dapat alam ng senador ang pagsisigasig ng mga frontliners upang masugpo ang nakamamatay na sakit. Ang payo niya sa mga mamamayan na sundin ang safety protocol ay nawalan ng silbi dahil sa siya mismo ay lumabag dito. Imbes na makatulong dahil siya ay senador, ay lalo lamang siyang nagpalala sa problemang kinakaharap ng ospital.

Dahil sa pangyayari, mapipilitan sumailalim sa quarantine lahat ng mga nurse at doktor na nakasalamuha ng doktor sa loob ng ospital. Ang resulta, mas lalong nabawasan pa ang bilang ng mga frontliners ng naturang ospital. Kinakailangan din ng decontamination at disinfection ang buong Delivery Room Complex upang masiguro na ligtas itong gamitin. 

Depensa ng senador

Depensa naman ng senador, nasa ospital na siya ng lumabas ang resulta ng COVID test. Nang matanggap niya ang balita, agad umano siyang umalis sa ospital at hindi totoo ang balitang nag ikot pa ang senador sa loob ng gusali. Wala umano siyang intensyon na labagin ang nasabing protocol.

Senator Koko Pimentel Binanatan Ng Makati Med Dahil Sa Kanyang "Irresponsible And Reckless Action" 3

Sagot naman MMC Medical Director na si Dr. Saturnino Javier, PUI na si senator Pimentel kaya kahit wala pang resulta dapat hindi na siya lumabas ng bahay at sineryoso na ang home quarantine. May mga CCTV footage din na magpapatunay na namasyal pa ang senador sa loob ng complex. Noong nakaraang linggo pa nakakaramdam ng sintomas ang senador kung kaya naman dapat umano ay nag isolate na siya ng sarili. Ngayon, hindi malayong nahawahan na rin niya ang kanyang asawa.

Dasal ng MMC

Sa huli, nilinaw ng MMC na na disinfect na ang buong Delivery Room Complex at ligtas na itong gamitin ng mga manganganak. Ang mga frontliners na apektado ng gabing iyon ay kinilala na at sasalilalim sa 14-day quarantine. Dasal ng pamunuan na sana ay walang nahawahan ang senador na frontliner.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: