Press "Enter" to skip to content

Senator Pacquiao, Planong Tumakbo Sa Pagka-Presidente Sa 2022

Maugong ang bali-balita ngayon na tatakbo bilang pagka-presidente sa 2022 ang boxing champ at senador na si Manny Pacquiao. Ito ay sa pahayag na inilabas ng dating promoter nito na si Bob Arum.

2022 elections

Ibinahagi ni Bob Arum ang plano ni Senator Pacquiao sa larangan ng pulitika. Ang 41-taong gulang na boxing champ ay nagsimulang manungkulan sa publiko noong 2016. At dahil popular ito sa maraming Pilipino bilang bocing legend at senador, marami ang naglalabasan na espekulasyon na ito ay tatakbo sa pagka-presidente sa darating na 2022. Anila ay ‘fallback’ umano ng boxing champ ang nabuong karera sa pulitika.

Senator Pacquiao, Planong Tumakbo Sa Pagka-Presidente Sa 2022 2

Ayon kay Arum, ibinahagi sakanya ni Pacman ang layon nitong pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa darating na eleksyon.

“I did a Zoom telephone call with him, ‘Bob, I’m gonna run in 2022 and, when I win, I want you there at my inauguration.’”

Political plans

Sa kasalukuyan ay aktibo pa din si Pacman sa larangan ng boksing at wala pang opisyal na anunsyo kung kailan ito magreretire. Hulyo noonh nakaraang taon ay napatumba nito ang boksingerong si Keith Thurman at nasungkit ang WBA welterweight title.

Sa isang Zoom call ay pinag-usapan umano ni Arum at Pacquiao ang binubuong laban nito kay Terence Crawford na tinatayang maitakda bago matapos ang taon. At sa tawag na iyon ay napag-usapan ng dalawa ang plano sa pulitika ng senador. Sa kasalukuyan ay hindi na nagtatrabaho bilang ‘promoter’ si Arum kay Pacman. Nagkatrabaho lamang muli ang dalawa dahil sa ‘one last time major fight’ aniya ni Senator Pacquiao bago ito muling sumabak sa pulitika.

Gitna ng krisis

Sa gitna ng pinagdadaanang krisis ng maraming Pilipino sa kasalukuyan, isa si Senator Pacquiao sa mga masugid ang pagbuhos ng tulong sa mga nangangailangan. Kamakailan lamang ay nakipag-team up ito kay Jack Ma na kung sana ay nagdonate ang dalawa ng mga face masks at testing kits na syang kailangan sa panahon na ito.

Suporta

Maraming netizens ang nagpabatid ng suporta sa boxing champ dahil nakitaan ito ng malasakit at takot sa Diyos. Anila, ang mga katangian nito bilang mabuting tao ang posibleng magdala rito sa pagkapresidente. Gayunman, marami din naman ang nagpahayag ng pagtutol dahil para sa kanila ay hilaw pa sa eksperiyensya bilang lider ang boxing legend.

Source: News 5

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: