Press "Enter" to skip to content

Senator Villar, Pabor Na Ilagay Sa GCQ Ang Piling Lugar Sa Metro Manila

Manila, Philippines – Suportado ni Senador Cynthia Villar na paluwagin ang enhanced community quarantine na maging general community quarantine (GCQ) na lamang pagkatapos ng Mayo 15 sa ilang lugar sa Metro Manila na may mababang kaso ng corona virus (COVID-19).

Pag sang-ayon

Sa pahayag, sinabi ni Villar na dapat ikonsidera ng Metro Manila Council at Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang pagbawi sa enhanced community quarantine (ECQ) ng mga lugar na kilalang may mababa at moderate risk lang ang kaso ng COVID-19.

Ayon sa Senadora, habang humahaba ang ECQ lalong naaapektuhan nito ang sitwasyon ng ekonomiya at hanapbuhay sa bansa at nagdudulot ng pagdurusa sa mga manggagawa at kanilang pamilya.

Senator Villar, Pabor Na Ilagay Sa GCQ Ang Piling Lugar Sa Metro Manila 2
Photo credits: Manila Bulletin

Ani niya,

“I agree that we should start re-opening the economy and begin the implementation of new normal measures in Metro Manila areas that have been successful in keeping their COVID-19 cases under control.”

Sinabi din ni Villar na hindi kailangan kaya ng gobyerno na I-provide ang lahat ng pangangailangan at tulong sa lahat ng naapektuhan ng crisis.

Estado ng kaso

Ayon sa datos, ang mga lugar sa Metro Manila na may mababang kaso ng COVID-19 per 100,000 population ay ang mga sumusunod:

  • Caloocan (14.5)
  • Navotas (14.9)
  • Malabon (15)
  • Valenzuela (17.1)
  • Marikina (28.1)
  • Las Pinas (32.6)
  • Muntinlupa (32.9)
  • Taguig (33.2)
  • Pateros (33.8)
Senator Villar, Pabor Na Ilagay Sa GCQ Ang Piling Lugar Sa Metro Manila 3
Photo credits: Business Mirror

Ayon pa sa Senadora,

“By now, places where COVID-19 cases are concentrated are already identified by the local government. Strict quarantine measures will continue to be implemented here while quarantine measures can be eased in low-risk areas.”

Balik trabaho

Matatandaan na inirekomenda ni Villar ang pagbabalik sa hanapbuhay ng mga manggagawa na nasa labor-intensive sectors tulad ng construction, manufacturing at agriculture

Senator Villar, Pabor Na Ilagay Sa GCQ Ang Piling Lugar Sa Metro Manila 4
Photo credits: Manila Bulletin

Winika pa niya,

“The prospect for the reopening of the economy and easing of quarantine measures is bright now that we have big quarantine facilities and improved testing capacities.

Sa huli, kaniyang iminungkahi na dapat ay simulan na ang pagbubukas ng mga ibang establisimyento ngunit dapat ay sumunod sa alintuntunin ng pag gamit ng facemask at panatilihin ang social distancing sa anumang lugar.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: