Press "Enter" to skip to content

Senior Citizen Na Nag Amok Sa Bigayan Ng Social Amelioration, Kinulong!

Manila, Philippines – Hinuli at ikinulong ang isang 76 na taong gulang na lalake matapos itong mag amok sa kasagsagan ng pamimigay ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang lugar.

Pag amok ng matanda

Nitong nakaraang Abril 23 ay pumunta ang mga taga DSWD sa Brgy Pelaez, San Isidro Surigao Del Norte para mamamigay ng ayuda sa mga residente doon. Dagdag pa ng mga nakasaksi, lumapit ang akusadong si Tatay Bertolito Janier upang mag tanong sa mga ito kung siya ay kasali sa nasabing listahan.

Senior Citizen Na Nag Amok Sa Bigayan Ng Social Amelioration, Kinulong! 2
Photo credits: Facebook

Ngunit mali daw ang pagkakasagot ng mga ito at padabog dahilan para uminit ang ulo ng matanda. Dali-dali itong umuwi ng bahay, kumuha ng matulis at itinutok kay Genalyn Berol Solano na isang representative ng DSWD. Agad naman daw na napigilan si Tatay matapos ang nasabing insidente.

Pag aresto

Sa salaysay ng kaniyang anak na si Jenica Jamara, makalipas ang ilang oras buhat ng mangyari ang insidente ay may dumating na lamang na mga kapulisan sa kanilang bahay at pilit sinasama ang kaniyang ama.

Senior Citizen Na Nag Amok Sa Bigayan Ng Social Amelioration, Kinulong! 3
Photo credits: Facebook

Dagdag pa nito,

“Dumating ang arresting officers without any warrant of arrest. We don’t know kung nakapag file ng blotter that time sa barangay ang complainant. Basta dumating sila at pinag mumura nila Tatay ko. Hinila nila ang kamay at pilit nilang isinubsob ito para ma-posasan.”

Buhay ni Lolo sa loob ng selda

Isinalaysay ng kaniyang anak na halos di niya maatim ang kalagayan ng kaniyang ama sa loob ng piitan. Bukod umano sa walang maayos na higaan at palikuran ito ay nababahala sila sa kondisyon ng kanilang ama sa loob ng selda.

Senior Citizen Na Nag Amok Sa Bigayan Ng Social Amelioration, Kinulong! 4
Photo credits: Facebook

Si Tatay Bertolito di umano ay diabetiko at may altapresyon. Dagdag pa niya, dumaranas ng depresyon ang kaniyang ama matapos mamatay ang kanilang bunsong kapatid isa’t kalahating buwan lamang ang nakalilipas.

Pag hingi ng paumanhin

Dahil sa nangyaring insidente ay dumulog si Jenica kay Genalyn upang humingi ng paumanhin na i-urong ang kaso sa kanilang ama. Ngunit ito ay hindi pumayag. Dahilan para I-post umano ni Jenica ang kaniyang panawagan na humingi ng tulong sa ibang ahensya para mapawalang bisa ang kaso ng kaniyang ama.

Senior Citizen Na Nag Amok Sa Bigayan Ng Social Amelioration, Kinulong! 5
Photo credits: Facebook

Nag batuhan naman nag maiinit na salita ang magkabilaang kampo.

Ayon kay Jenica,

“FYI po, makaka mag-anak Sila Genalyn Sucano at Brother in Law niya po ang Kapitan ng aming lugar na sa Rolando Bagaito”

Hindi naman pinalagpas ni Genalyn ang nasabing paratang bagkos ay inamin niya pa na sila ay mag kamag anak ng nasabing kapitan na siya ring may-ari sa tinitirikan nilang bahay.

Dagdag pa ni Genalyn,

“Don’t tell me we are heartless. Alam namin kung papano disiplinahin at bigyan katarungan ang mga taong di tama ang pakikitungo sa amin. We are just human. Lalo na kung yung muntikan ka ng mamatay. Hope you also understand our side.”

Senior Citizen Na Nag Amok Sa Bigayan Ng Social Amelioration, Kinulong! 6
Photo credits: Facebook

Sa ngayon ay de-activated na ang Facebook account ni Genalyn. Samantalang, nasa piitan parin si Tatay Bertolito at nangangamba na siya ay baka lalong mahawaan ng sakit dahil sa kaniyang kasalukuyanh situation.

Source: Facebook

One Comment

  1. Zyra Zyra April 28, 2020

    Anong klasing batas dyan aristohin ang tao na walang hawakbna warrant toparis. Ariglohin sana yan. Bago may mkaponta sa police

Leave a Reply

%d bloggers like this: